KABANATA 9

102 5 2
                                    

CLARA'S POV 1896

NGAYON ang itinakdang araw namin ni Señor Leonardo upang makapag-usap o makakain sa labas. Maayos na maayos ang lagay ko ngayon at ang aking hitsura.

Inayos ko ang pagkakapusod ng aking buhok at nilagyan ko pa ito ng palamuti. Naglagay din ako ng simpleng kolorete sa aking mukha upang madepina ang aking kagandahan. Napangiti ako sa aking sarili.

Nakasuot ako ngayon ng kulay dilaw na baro't saya. Kanina pa ako nagpapa ikot-ikot dito sa salamin. Ito ang unang araw naming lumabas ni Señor Leonardo kung kaya't aking siniguro na maayos na maayos ang aking kalagayan. Halos ipaligo ko na rin ang pabangong binili ni Ina mula sa Italya.

"Anong masamang espiritu na naman ang sumanib sa aking pinsan?" Kunot-noong pumasok ang salihis kong pinsan sa aking silid. Nginitian ko lang siya nang matamis. Ngumiwi lamang siya.

"Ngayon lang naman ang aming unang labas ni Señor Leonardo. Ako ay niyaya niyang lumabas." Ayaw ko mang magmalaki ngunit kusa iyong lumabas sa aking tinig. Napairap siya dahil sa sinabi ko. Idagdag niyo pa ang aking pagtaas ng noo.

"Ikaw ay ingrata! Paano naman na si Señor Gabrielo, Pinsan?" Tanong niya. Kumunot naman ang aking noo sa kaniya at nagpamewang ako sa harapan niya.

"Akala ba'y huwag akong mahuhulog sa kaniya?" Nagtaas ako ng kilay sa kaniya. "Hindi ba't pinatunayan mo pa sa aking siya ay babaero? Bakit ngayon tila bumaligtad na ang mundo?"

"Si Señor Gabrielo ay tunay na iniibig ka. Nakikita ko iyon, Clarita! Hindi naman siya nanliligaw sa ibang mga binibini ngunit pagdating sa iyo... iba ka Clara." Seryosong pagpapaliwanag niya habang nakatingin sa aking mga mata.

"Eh paano kung ako'y masaktan? Ika'y sasaktan din" Tumalikod ako sa kaniya at nagbiro upang itago ang pait sa aking tinig. Hindi ko kasi rin alam kung saan ko pinanggalingan ang pait. Marahil ay dahil nahihirapan akong magtiwala sa tulad niyang babaero.

"Bakit hindi mo siya subukan kung gayon?" Napaharap na ako ngayon kay Sandrino. "Labis ang pagpapahalaga sa iyo ng Señor na iyon sa'yo ngayon. Hindi ko nais na magsisi ka sa huli dahil hindi mo siya binigyan ng pagkakataon."

LABIS tuloy ang pag-iisip ko nang malalim dahil sa pinagsasabi ni Sandrino. Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko sa mga sinasabi niya. Noong nakaraang araw lamang ay ayaw na ayaw niya akong mahulog kay Gabrielo ngunit ngayon ay nais na niyang bigyan ko ng pagkakayaon si Gabrielo. Ang pinsan kong iyon ay may pagka balimbing din.

Sinabi niya na babaero si Gabrielo. Pakatapos ngayon ay sasabihin niyang iba ako sa mga naging babae ni Gabrielo. Dapat ay si Gabrielo ang aking kinakausap tungkol dito. Pakikinggan kaya niya ako? Hindi ba ay nakakahiya naman iyon?

"Binibining Clara!" Tawag sa akin ni Señor Leonardo dahilan upang itigil ko ang malalim kong pag-iisip. "Aking tinatanong kung ano ang iyong nais kainin?"

Nakonsensiya tuloy ako sapagkat si Señor Leonardo, na aking labis na hinahangaan simula pa noong una at kasama ko ngayon ay hindi ko napagtutuunan ng pansin. Kasalanan itong lahat ni Heneral Gabrielo Solidad!

Nasa isang kainan kami ng mga Kastila. Sa aking palagay ay ako lamang ang kumakaing Pilipino dito dahil si Señor Leonardo ay may lahi rin. Hindi ako pamilyar sa mga putahe kung kaya't nahirapan akong pumili sa isang papel.

"Kahit ano na lang, Señor." Natawa siya sa aking iniasta at siya na ang namili ng aking kakainin Umiling ako sa aking sarili. Hindi tamang isipin ko si Gabrielo gayong kasama ko si Señor Leonardo.

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang mayroong pumasok sa kainan at iniluwa ng pinto sina Gabrielo at mayroon siyang kasamang binibini!

Ngunit siya ba talaga iyan? Hindi kaya ay namamalikmata lamang ako dahil sa labis na pag-iisip sa kaniya? Kumurap-kurap ako upang malaman kong siya ba talaga iyan at siya nga iyon. Muli, MAY KASAMANG BINIBINI. Napakababaero talaga!

Carpe DiemOnde as histórias ganham vida. Descobre agora