KABANATA 23

88 4 9
                                    

#23: Destined To No One

Akala kong masakit na hindi ka para sa akin
Ngunit mas masakit na malamang...
Wala pala talagang para sa akin.

CLAIRE'S POV

NAGISING ako nang may luha sa aking mga mata at pisngi. Actually, sanay na dapat ako sa ganitong scenario dahil ganito na talaga ako. Ito siguro ang sumpa kapag masama ka sa past life mo?

"Hoy kumain ka na Chloie! May date daw kayo ni Sir Soriano!" sigaw sa akin ni Kuya habang nag-aayos ng mga plato sa table namin. Nanlaki naman ang mata ko at tiningnan rin si Gabriel na nakabihis na ngayon ng V-neck shirt na black t-shirt at nike na short. Nakasuot din siya ng Gucci shoes. Sosyal.

"Date? Saan?" Tanong ko kay Gabriel. Kinusot ko pa ang mga mata ko at inayos ang buhok ko. Feeling ko tuloy ang baho ko dahil ang fresh ni Gabriel. Thank God at nandito si Kuya Ky dahil mas mukha pa rin naman siyang mabaho.

NANDITO na kami ngayon ni Gabriel sa loob ng Star City. Nakasuot ako ngayon ng black sleeveless na tribal at ripped jeans. Nakasuot din ako ng adidas shoes na white. Nakapila kami sa entrance at hinihintay ang pagbubukas nito dahil maaga kami. 'Yan! Excited much kasi!

"Sinong katext mo?" Sinikap kong magtanong ng tunog normal pero nabigo ako. Naging tunog selosa na ako. Kasi naman, simula nang pumunta kami dito, kanina pa siya nagtetext.

Nginitian niya ako at inabot ang kamay ko para hawakan ako. "It's Sean, my best friend. Pupunta rin sila dito ng girlfriend niya. I'm sorry for not telling you but this is double date."

Napangiti naman ako sa kaniya. "It's okay, masaya akong makilala ang mga kaibigan mo." Nagsimula na kaming maglakad nang magkahawak ang kamay.

Mas maputi ako sa kaniya nang kaunti. 'Yung mga kamay ko, mukhang maliit dahil hawak niya. Aaminin kong magaspang ang kamay niya. Ano pa bang ieexpect ko eh sundalo ang kaharap ko.

Sasabihin ko sanang bumili kami ng couple shirt kasi ang dami kong nakikitang gano'n kaya lang ay may tumawag sa kaniya mula sa likuran kaya napalingon kami. Nanlaki ang mga mata ko dahil pamilyar ang mukha ng lalaki, at mas nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Beauty.

"Beatrice Cassandra?" Bakas ang pagkalito sa boses ni Gabriel. Wait, so hindi niya rin alam? Oh god, hindi ko alam na may boyfriend na pala itong si Beauty. Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay na parang sinasabing 'Care to explain?'.

"Oh... Gabbi, my best friend!! You know my girl? Paano kayo naging magkakilala?" Tanong ni Sean. Nanliit ang mga mata ko sa kaniya, trying to remember kung saan ko nga ba siya nakilala dahil mukha siyang pamilyar.

"Stupid! Of course she's my sister," umiiling-iling na sabi ni Gabriel. Magkaibigan ba ang dalawang 'to? Well kahit ako dahil inaakala kong si Ryle pa rin ang puso ni Beauty but I was wrong! And... hindi ko pa kilala ang boyfriend niya ngayon.

"Claire! You're here too!" Halos mapunit na ang labi ni Beauty sa kakangiti kahit na bakas ang pagkadismaya ko dahil hindi man lang niya sa akin ito nakuwento! I am her bestfriend after all!

"Obvious ba?" I tried so hard not to sound rude but I failed. Eh kasi naman! Hindi man lang niya sinabi! Nakakatampo! Nilingon ko ulit ang Sean at pinangsingkitan ng mata. "You. Who are you?"

Hindi makapaniwalang ngumisi ang Sean na kaibigan ni Gabriel. "Nakakatakot ang girlfriend mo pre ah? Hey you! Bakit mo naman ako nakalimutan agad, nakakatampo ah? Look at me closely nang malaman mo kung sino mas pogi sa'min ng boyfriend mo."

Carpe DiemWhere stories live. Discover now