KABANATA 8

118 9 6
                                    

Kapag nandiyan siya, ang lakas ng tibok ng puso ko at nangangapa rin ako ng salita...
Hindi rin umaayos ang kilos ko sa kung ano ang iniisip kong dapat nagawin
Bakit iba siya sa mga ibang taong nakasalamuha ko na?

CLAIRE'S POV 2018

"HOW old are you again, Claire?" Mariing tanong ni Jeremiah sa'kin. He looked at me darkly and he frowned at me. Look who is talking. Who ba siya para pag sabihan ako, right?

"Nineteen. Legal age na 'yun at--"

"Legal age but still not matured enough." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ang kapal ng mukha niyang sabihin iyon. "Does your brother know this?"

"Hindi at bakit niya pa kailangang malaman?" Kumunot na rin ang noo ko para maglevel kami ng galit. Akala niya siya lang may karapatang magalit ah? "I'm not a kid anymore."

"Of course. He's your brother." He smirked at me the reason why mas lalo akong high blood sa taong ito. "If I am your brother I'll be offended with your words. Good thing, I'm not your brother."

"Manahimik ka na nga!" Kunoot-noo ko siyang tiningnan at dinuro ko pa. Nakaka konsensiya na kasi 'yung nga sinasabi niya. Dapat talaga ay hindi ko na sinunod ang sinabi ni Xander.

"Tss silly girl. Are you with my sister?" Lumingon siya sa pinanggalingan ko at nagtaas siya ng kilay. "Oh, you are with your boyfriend--"

"He's not my boyfriend!" Tinawanan niya lang ako dahil sa sinabi ko. He patted my head like as if I'm a kid. Tinulak ko siya dahil inis. "Ano ba? Fc ka?" As in feeling close.

"If he's not really your boy, then let's go home. It's already late. You have a class tomorrow." Pagkasabi niya no'n ay hinigit na niya ang palapulsuhan ko at lumabas na sa bar. Naiwan naman si Xander sa loob.

"Ang pakialamero mo 'no?" Sarkastikong tanong ko kay Jeremiah. Nasa sasakyan na niya kami ngayon. Nakaka asar lalo dahil tumango lang siya habang seryosong nagdadrive. "So annoying!"

Hindi ko alam na hindi lang pala siya pakialamero, sumbungero din siya. Pagkauwi namin, simumbong niya ako kay Mama at Kuya kaya naman...

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko, Chloie! Natututo ka d'yang gumala sa kaibigan mong 'yan eh! Iwasan mo na nga 'yang si Xander nahihimigan kong bad influence 'yan!" Pagbubunganga ni Mama habang nasa sofa kami. Gusto ko sanang mag beat box kaya lang nandito si kuya baka upakan ako.

Si Gabriel naman ay seryoso lang akong tintingnan. Inirapan ko siya kasi naman eh! Bakit hindi na lang siya nanahimik!

"Talaga pag ikaw may boyfriend na uupakan ko talaga! 'Pag 'yang Xander na 'yan nalaman kong boyfriend mo, babarilin ko 'yan."

"Kuya naman ih! Kadiri ka naman, bakla nga si Xander sabi eh--"

"Sinasabi niya lang 'yan! Diskarte lang 'yan para mapalapit siya sa'yo. Ikaw naman 'tong uto-uto, naniwala naman." Inirapan ko lang si Kuya at padabog na umakyat sa kwarto.

KINAGABIHAN, nanaginip na naman ako nang hindi sa akin pamilyar. Bumalik na naman ako sa panahon ng mga Kastila at aaminin kong nakakainis na kasi 'yung scene palaging nagsusuicide 'yung kamukha ko.

"MAMA!" Napahawak ako sa puso ko at agresibo akong naghahabol ng hininga. Iba na kasi 'yung pangalawang napanaginipan ko. Ako na 'yung nagsuicide at hindi na ako nanonood.

Parang ako na talaga. Akala ko nga ay patay na ako. Agad akong bumangon at hinarap ang aking laptop para makapag research.

Carpe DiemWhere stories live. Discover now