KABANATA 30

88 4 4
                                    

"Life always surprises us in the most unexpected way
That's why we must be prepared
CHANGE is the only permanent in this world."
-Claire

CLARA'S POV

Dahil sa nalaman ko kay Mama ay mas lalong gumulo ang isipan ko. Ngayon ko kinakailangan ng gabay mula kay Mikaelo Angelito, hinihiling na sana hindi pa huli ang lahat. Baka sakaling mayroon pa akong mabago.

"Mikaelo!" Tawag ko sa labas ng simbahang Baclaran kahit na hindi ako sure kung pupuntahan ba niya ako o maririnig niya ba ako. Wednesday ngayon, umaga at kahapon ako nadischarge sa ospital. Naisip ko na ang simabahan ang pinaka the best na puntahan kaya nag cut ako ng class para pumunta dito.

Para akong tanga na naghahanap dito ng tao o anghel na hindi ko naman sigurado kung nandito ba. "Mukhang nangyari na ang nakatakdang mangyari, Chloie."

Napalingon ako sa nagsalita at iyon ay si Mikaelo na nakaoutfit pa ng Barong Tagalog at mayroon pa siya ng sumbrerong mayroong balahibo. Halatang galing pa sa ibang panahon. Agad akong lumapit sa kaniya at niyakap siya.

"Bakit naman gano'n Miks s-si Sir Lienzo, namatay na..." hindi ko na napigilan ang umiyak. Naramdaman ko ang kamay niya na humahagod sa likuran ko.

"Hindi siya namatay, Chloie. Pinatay siya. Dapat ikaw 'yong namatay pero magpasalamat ka dahil siya ang napuruhan at ikaw, heto buhay at pakalat-kalat." Dahil sa sinabi niya ay hinampas ko ang braso niya.

"Mikaelo naman eh." Akala ko ay nakikipagbiruan siya sa akin pero hindi pala dahil kahit tumawa ako ay hindi siya natawa. Tumigil na lang ako at nagsimula ng maglakad papasok sa simbahan upang magdasal.

"Ito ba ang gusto mong mangyari, Chloie? Gusto mo bang maulit ang pagkakamali ng nakaraan?" Tanong niya sa akin kaya naman napatingin ako sa kaniya at umiling.

"S'yempre hindi. Kaya nga ako nandito kasi I want to pray and to ask you advice. Ayaw ko nang may sumunod kay Sir Lienzo ng dahil sa akin." Tumingin ako sa kaniya sa mata at seryoso itong tinitigan. "Alam ko ang kuwento nina Hermosa at Graciano. Ayaw kong mangyari iyon sa'min."

Tumango sa akin si Mikaelo. "Tama kung kaya't nararapat na bitiwan mo na si Gabriel. Salamat din pala sa kaniya. Siya ang dahilan kung bakit buhay ka pa rin ngayon. Siya ang nagdonate ng dugo mo."

Tumango ako sa kaniya dahil alam ko ang bagay na iyon. Kumuha ako ng three candles at nagsindi para magdasal. Unang kandila para sa pamilya ko, pangalawa ay kay Gabriel at pangatlo kay Sir Lienzo.

Kahit sa kandila, love triangle talaga kami.

"Alam mo, ako'y napapabilib nang bahagya kay Gabriel. Kung noon ay siya ang dahilan kung bakit ka nagpakamatay, aba ngayon siya na ang dahilan kung bakit ka nabuhay. Masasabi kong mayroon siyang character development." Binalewala ko ang sinabi niyang iyon dahil magsisimula na akong magdasal.

Lord, kayo na ang bahala sa pamilya ko. Huwag naman po sanang may masamang mangyari sa amin lalo pa dahil sabi ni Mama, puwede kaming patayin ng Pablong 'yun. Huwag niyo po kaming pababayaan.

"Huwag naman din sanang ikaw ang maging dahilan ng pagkamatay ni Gabriel 'no?" Doon na naagaw ang atensyon ko. Sinamaan ko ng tingin si Mikaelo kaya natawa siya sa akin. Pinagtitinginan siya ngayon ng mga tao dahil sa outfit niya. "Mali ka. Pinagtitinginan ako ng tao dahil makisig akong ginoo."

Napatigil ako at napangin sa mga mata niya dahil sa sinabi niya. "Lalaki ka pala? All this time akala ko beki ka kasi ang kulit mo, the way you speak ang prangka tsaka boses bakla, tapos 'yung kilos mo, ang lamya-lamya."

Carpe DiemWhere stories live. Discover now