My Sophomore Series... (Chapter 4, Coping Up)

2.5K 110 11
                                    


Kinabukasan ay tanghali na kami nagising at dumiretso na kami para magpagupit. Pumunta din agad ako sa Art Workshop namin. Ilang araw na lang at matatapos na rin kami. Kahit papaano ay bumalik na rin ang dating sigla ko sa pagdrawing.

"So, sa Sabado, be sure to bring your parents and your loved ones ha para sa exhibit natin. Remember na meron tayong donation boxes para sa Asilo de Molo para sa mga orphans doon. So be sure na gandahan niyo ang mga artworks niyo because we're posting 5 of your artworks each at kapag may bumili nun, the proceeds will go to Asilo de Molo... so makakatulong pa kayo." paliwanag ni Sir Bryan.

Tumingin ito sa akin at ngumiti. Di ko alam kung may gustong ipatama sa akin yung sinabi niya pero tinamaan ko. After all, isa ako sa magagaling na students daw niya kaso medyo naging dark ang mga mensahe ng mga artworks ko.

"Gel... okay ka na?" tanong ni Luke habang nagpi-paint kami.

Stained glass ngayon ang ginagawa namin. Bale sa likod ng glass e may crumpled na foil para magkaroon ng effects ang color.

"Oo naman." sagot ko sa kanya. Ngumiti pa ako para ma-convince siya.

"So hindi na dark ang theme ng drawing mo ha?"

"Yup. Para masaya ka di ako gagamit ng black maliban sa outline ng mga drawing ko." sagot ko dito.

Ngumiti siya.

"Good naman kung ganun." sabi nito.

Kunsabagay, anghirap kaya magpantay ng kulay black sa stained glass. Pangit. Kaya mga light and bright colors ang mga ginamit ko. Ang topic ng drawing ko e under the sea. So parang ang stained glass e glass ng aquarium. So ang concept nun e para akong nakatingin sa aquarium kaso ang mga nasa loob ng aquarium katulad ng mga isda e abstract ang form.

Naging bright naman ang aura ng painting ko, nakakatuwa kahit ako ang gumawa. Hahaha. Puri pa ng puri si Luke after 6 hours na painting.

"Wow... okay ka na nga. Pang-professional na gawa mo ah." puna ni Luke.

"Oo nga e. Pwede na talagang ibenta yan. Magkano mo ibibenta yan kung sakali?" tanong ni Sir Bryan.

Sumimangot ako.

"Sir Bryan naman e... Binobola mo na ako nyan e." ingos ko.

Inakbayan ako nito.

"Ano ka ba? seryoso ako. Tanungin mo pa si Luke." sabi nito.

Tumango si Luke.

"Promise Gel... kung may pera ako bibilhin ko yan. Kaso magkano muna yan?" tanong nito uli.

Nagkibit-balikat ako.

"Ewan.. di naman ako mahilig magpresyo sa gawa ko e." sabi ko.

"Hmmm... ang materials natin, umabot ng 300 yan... so plus ang effort mo, gawin mong 1000." si Luke.

Natawa ako.

"Mas mataas yata pwede." si Sir Bryan.

"A ewan ko sa inyo. Kung gusto niyo mag-bidding na lang kayo." sabay-tawa ko.

Di tumawa ang dalawa. Nagkatitigan sila.

"Good idea actually. Di ko naisip yun ah." sabi ni Sir Bryan.

Tiningnan lang siya namin ni Luke. Pinaypayan ni Sir Bryan si Miss Mia na kasama niya sa seminar.

"Kasi kapag may presyo para naman suwapang tayo sa pera nun. Pangit pa kapag di nabili ang mga painting niyo dahil mahal o namamahalan ang mga tao. Mas maganda kung bidding na lang para at least, kung may kukuha pa ng mas mahal, e di mas malaki ang madodonate natin di ba?" paliwanag nito.

My Elementary SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon