My Paolo Series... (Chapter 6, Feljan... Why?)

3.1K 114 10
                                    

Tamang pasabog lang sa Bagong Taon
-----------------------------------

Bisperas ng Bagong Taon... syempre abala ang lahat sa paghahanda. Kaming dalawa ni Kuya Paolo ang runner kapag may pinapabili si Mama Fary. Natutuwa ito dahil nakikita niyang masaya kami ni Kuya Paolo.

Pagkatapos ng pananghalian ay nagbasketbol uli sina Kuya Paolo, binulungan ako ni Feljan kung pwede ay wag akong sumama sa basketbol at may importante kaming pag-uusapan. Kailangan daw niya ang tulong ko.

Nagdahilan na lang ako kay Kuya Paolo na gusto kong magpahinga muna.

"Don't worry Baby..." bulong nito sa akin "I will win this game for you. At kapag nanalo kami... you know what prize I want from you."

Natawa pa ako sa pagkagat nito sa tenga ko habang bumulong.

Inaya nila si Feljan, sinabi rin nitong pass daw muna siya. Nagulat naman ako at di nagulat si Rey. Naisip ko na alam nito ang totoong dahilan ni Feljan sa hindi pagsama.

Pagkaakyat ni Mama Fary para sa hapon na siyesta nito ay sumunod ako sa kuwarto nina Feljan at Rey.

Umupo kami sa kama.

"O ano ba yung gusto mong pag-usapan natin?" pagsimula ko.

Itinaas niya ang kamay niya.

"Teka lang. Congrats sa inyo ni Kuya Paolo." sabi nito.

Natawa ako.

"Ano'ng congrats? Para saan?"

"Asus. Wag ka na magsinungaling. Halata ko siyempre. Halata namin ni Rey na magboyfriend na kayong dalawa." sagot nito.

Napangiti ako. Kunsabagay, mga bading din silang dalawa kaya mahahalata nila kami.

"Oo na. E ano naman yung pag-usapan natin? Na kailangan kong tiising wag makitang naglalaro at pinagpapawisan si Kuya Paolo ko?" pagbabalik ko sa topic.

Napayuko siya. Matagal na tumingin sa sahig.

Niyugyog ko siya.

"Hoy! Tumatakbo ang oras." sabi ko.

Saka lang niya ako tiningnan.

"Gel, nagdesisyon na kami ni Rey. Kailangan na isa sa amin ang magpakumbaba." panimula nito.

"Ano'ng magpakumbaba?" kumunot noo ko.

"Hmmm. Magpakumbaba... ibig sabihin isa sa amin ang kailangan magpatira sa pwet at isa ang titira." kwento nito.

Ngumiti ako.

"E di mabuti." tuwang- tuwa kong sabi hinawakan ko ang hita niya. "Congrats din sa inyo kung ganun."

"Iyon ang gusto kong ipaalam sa iyo. Kaso ang problema di ko alam kung paano yung ginagawa mo. Sinubukan ko nga daliri ko e di ko kinaya ang amoy." pagkukuwento nito.

Natawa ako ng malakas. Sobrang lakas.

Hinampas ako nito sa hita.

"Hoy.. ito naman o. Di ko naman kinuwento sayo yun para pagtawanan ako. Kaya nga gusto ko magpatulong sa iyo e." sabi nito. Medyo inis.

Pinilit kong gawing seryoso ang mukha ko. Halos kagatin ko na ang labi ko para di tumawa.

"Sige. Seryoso na ako. So gusto mong turuan kita kung paano maglinis bago ang ano niyo ni Rey?" seryoso kong tanong.

Tumango ito.

"Gagawin niyo mamaya no?" nakangiti kong tanong.

Ngumiti ito at tumango uli.

My Elementary SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon