My SJV Series... (Chapter 18, Heartbreak to the Max)

3.5K 163 14
                                    


Natawa ako sa sinabi niya. Mahirap maniwala agad kaya mas maganda na lang na isipin na nagjojoke siya.

"That's a cute one." sagot ko naman. "Pero di nga, ano ba kailangan mo?"

Napangiti siya.

"Pangalan mo nga." ulit pa nito.

"Angelo. Masaya ka na?" biro ko.

"Not quite." tipid na sagot nito.

"And your name?"

"Icko"

Sabay angat ng kamay niya para mangumusta. Siyempre sinagot ko rin ito. Sino ba naman ako na mambastos sa taong nagpapakilala?

"Hi. So can I go now?" pagpuputol ko.

"Why? Ambilis naman. We just knew each other."

"Sorry Icko. I'm really not in a good mood now." pagdadahilan ko. Totoo naman.

"Yup, I know."

"Excuse me?" kunot-noo kong tanong.

"Yup, I know the reason why you're mad like that." ulit pa nito.

Di ako sumagot.

"Okay." saka itinaas niya ang dalawang kamay niya. "If you're not going to admit it, then I won't insist. Pero it helps if may nakakausap ka tungkol sa problema mo."

"It's okay. Sanay na akong may problema. Para yatang pinanganak akong may kakambal na problema sa buhay e."

Tinitigan niya ako. Halata na siguro sa mga mata ko ang lungkot.

"How can a small kid like you have lots of problems already?"

Natawa ako.

"Bakit?" si Icko.

"Wala. Matagal na panahon nang walang tumatawag sa aking small kid." paliwanag ko.

"Oh, I'm sorry. Are you insulted?" seryosong tanong nito.

"No, no. Kakaiba lang. Nakakatuwa na nakakatawa. Pero okay lang yun."

Tawanan lang kami.

"Gusto mo bang umupo saglit? Nakakangalay ang nakatayo e." sabi nito.

Tinungo namin ang playground. Umupo siya sa swing.

Di ako umupo.

"Ayaw mong umupo?" agad na tanong nito.

"Hindi ako nagsi-swing e." sagot ko.

"Huh? Bakit?" takang tanong nito.

"May motion sickness ako e. Pag nag-swing ako mahihilo ako at masusuka." paliwanag ko dito.

"Ahh.. " sabay tayo nito.

Nakita niya ang see-saw. Tinuro niya iyon.

"Di rin." sabi ko.

Luminga-linga siya.

Nakita niya ang mga pinagdugtong-dugtong na bilog na semento. Yung parang ginagamit sa mga kanal. Dinugtong-dugtong para lusot-lusutan ng mga bata.

Tumango ako.

Nauna siyang pumasok sa loob at umupo. Sumunod ako.

"Nice." sabi ko. Di pa ako nakapasok sa loob ng ganito kahit kelan.

"Oo nga no. Para tayong may sariling mundo na walang ibang makakakita at makakapanghimasok sa atin." sabi nito.

Napangiti ako.

"Pwede rin." sang-ayon ko.

Matagal na katahimikan.

"So Icko... Hmmm... saan ka dito nakatira?" pagpuputol ko ng nakakabinging katahimikan.

My Elementary SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon