My Paolo Series... (Chapter 20, Luke)

2.4K 105 7
                                    


Hinila ko ang kamay ko.

"Gago ka ba Luke?" galit na galit kong tanong sa kanya.

Natigagal siya dahil galit na ako.

"Gusto mo bang sirain ang buhay mo? Gago ka ah!" halos pasigaw kong sabi sa kanya.

"Ano bang masama sa sinabi ko? E gusto ko lang sabihin sa iyo ang nararamdaman ko e. Masama ba yun?" mahinang sagot nito.

"Masama! Alam mo bakit? Libog lang yang nararamdaman mo. Kung gusto mo ng taong magpapalabas ng libog mo sa katawan, payag ako. Pero wag mo sabihin sa akin na gusto mo ako. Nabibigla ka lang. Nadadala ka di sa pintig ng puso mo kundi pintig ng bayag mo. Kaya tigilan mo yang kalokohang iyan." nakasimangot na ako sa harap niya.

"Gel..." hinawakan ako nito sa kamay.

"Luke... please? Don't do this. Kaibigan kita. Wag mong sirain ang pagkakaibigan natin. Wag kang ganyan please?" halos mangiyak-iyak ako. Di ko alam kung bakit ako nagagalit.

Lumapit na siya sa akin. Niyakap ako. Doon na ako umiyak sa balikat niya.

"Gel... sorry. I thought gusto mo ako. Akala ko matutuwa ka kapag sinabi ko sa iyo to." sabi nito.

Patuloy lang ako sa pag-iyak sa balikat nito.

"Gel... tama na... Bez... please? Sorry na. Akala ko type mo rin ako kaya naglakas na ako ng loob na sabihin sa iyo. Sabi mo pag nag-ayos ako e baka magustuhan mo na ako di ba? Sabi mo baka ligawan mo pa nga ako e. Kala ko seryoso ka dun." pag-aalo nito sa akin.

"Luke... please? Di mo alam ang pinapasok mong gulo? Kapag pumatol ka sa akin, magiging bading ka na rin. Di madali ang maging bading Luke. Sinasabi ko sa iyo. Kaya habang maaga pa lang ay pigilan mo ang sarili mo. Kung maaari ay wag na. Ako mismo ang nagsasabi sa iyo. Lahat ng nangyari sa akin simula nang inamin ko sa sarili kong bading ako ay di maganda. Daming problema. I care for you Luke. Importante ka sa akin. Swerte ng taong magiging girlfriend mo o asawa mo. Kaya wag mong sayangin iyon." masakit para sa akin pero di ko alam kung bakit iyon ang sinabi ko.

"Ayaw mo ba sa akin Gel?" bulong nito.

Di ko siya masagot.

"Gel... ayaw mo ba akong maging boyfriend?" ulit nito.

Kinagat ko ang labi ko dahil ayokong sumagot.

"Sige na. Di na kita kukulitin. Wag ka nang umiyak." sabi nito sabay layo sa akin.

Pinunasan nito ang mata ko.

"Sorry Gel." sabi pa nito

Kinuha nito ang ulo ko at hinila papunta sa dibdib niya.

"Sorry..." ulit pa nito.

Maya-maya pa ay humiwalay na rin ako sa pagkakayakap nito.

"Okay ka na?" tanong nito.

Tumango ako at ngumiti.

"Luke... bakit mo pala nasabi na gusto mo ako?" seryosong tanong ko sa kanya.

"K..kasi... unang kita ko pa lang sa iyo e parang gusto na kita. Kaya nga inaway kita agad para naman mapansin mo rin ako. Kaso pangit pala nun. Mabuti na lang at nagkabati tayo. Pero habang tumatagal e nahuhulog ang loob ko sa iyo." paliwanag nito.

"Paano ka naman nakakasiguro na di pagkakaibigan ang nararamdaman mo?"

"May kaibigan bang gusto mong yakapin at halikan?" kunot-noo nitong tanong sa akin.

Ngumiti ako sa kanya.

"Gusto mo akong yakapin at halikan?" balik ko sa kanya.

Tumango siya.

My Elementary SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon