My Paolo Series... (Chapter 7, Paolo's Favorite...)

3.5K 118 11
                                    


Nagising ako na nakahiga ako at sa maliwanag ang paligid ko. Narinig ko kaagad ang boses ni Mama Fary. Galit na galit. Hindi ko alam kung sino pinapagalitan nito. Hindi ko kasi mailingon ang ulo ko. Masakit ang leeg ko.

"Wala na kayong ginawa kundi magbasketbol. Hindi niyo man lang namalayan na naaksidente na si Angelo." rinig kong sigaw nito.

"Hindi naman po namin alam na umalis siya ng bahay e." rinig kong sagot ni Kuya Bon.

"Ikaw naman Feljan nakita mo nang umalis si Angelo di mo man lang sinundan." dugtong pa ni Mama Fary.

"Sumunod naman po ako eh." rinig kong sagot ni Feljan.

"Pero matagal pa. Hinintay mo pang maaksidente yung isa bago kayo gumalaw. Andami niyo sa bahay pero parang wala sa inyong may pakialam." pagtatapos nito bago ko tuluyang narinig ang yabag nito papalayo.

Ipinikit ko uli ang mata ko at nakatulog.

Maya-maya ay nagising ako nang may humawak sa kamay ko. Agad kong narinig ang sigaw ni Kuya Bon.
"Ma... Ma... Gising na po si Angelo."

Kaagad na bumukas ang pinto at pumasok si Mama Fary. Saka ko lang nakita na si Kuya Paolo pala ang nasa tabi ko nang bigla niyang binitawan ang kamay ko.

Kaagad na pumunta sa tabi ko si Mama Fary.

"Angelo. Kamusta na ang pakiramdam mo?" agad na dalo nito.

"Bakit po ako narito Ma?"

"Hindi mo ba maalala ang nangyari sa iyo?" tanong nito.

Umiling ako.

Sakto naman na pumasok ang doktor.

"Dok... hindi daw maalala ng apo ko ang nangyari sa kanya. Baka nagka-amnesia siya." agad na bungad nito sa doktor.

"Ma..." tawag ko kay Mama Fary. "... di ko po maalala ang nangyari pero kilala ko po lahat kayo."

Ngumiti ang doktor. "Ayun naman pala e. Siya na mismo ang nagkumpirma. Di naman nawala ang alaala niya." nakangiting sabi ng doktor.

"Sigurado po ba kayo na nagawa niyo na lahat ng dapat gawin?" pangungulit ni Mama Fary.

"Opo. Wala namang damage ayun sa CT Scan. Minor bump lang at sugat sa noo at konting bugbog sa leeg at balikat. Ilang araw lang he can be discharged." paliwanag ng doktor.

"Ay naku. Whether it will take him several days here. I don't care. Just make sure na walang masamang mangyayari sa kanya after this and that he's totally safe." medyo galit at mataray na sabi ni Mama Fary.

"Yes po. We'll double check all the tests." sabi ng doktor bago lumabas.

"Well, kailangan kong ipaalam ito kina Josie." sabi ni Mama Fary.

"Ma. wag na po. Wala naman silang pakialam e." sabi ko.

"Kahit na. Kailangan pa rin nilang malaman ang nangyayari sa iyo. " salungat nito.

"Ma... I agree with Angelo. Wag niyo na pong ipaalam. Baka ilayo pa nila si Angelo satin." si Kuya Paolo.

Nag-isip si Mama Fary. Tiningnan si Kuya Paolo saka tumingin sakin.

"You're right Paolo. Nothing happened." sabi ni Mama Fary. Lumapit sa akin si Mama Fary at hinawakan ako sa balikat. "I hope there won't be a next time." sabi nito.

Tumango ako.

"Well, I'll settle our bills. Bon, Feljan, samahan niyo ako bumili ng pagkain. Rey, maiwan ka dito baka may kakailanganin sila." ngumiti muna ito bago lumabas.

My Elementary SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon