My Seminary Series... (Chapter 16, Michael x Angelo)

5.7K 279 13
                                    

Tumango lang ako sa tanong ni Kuya Michael.

Tumayo siya at may hinanap sa isang mesa malapit sa piano. May hinalungkat siyang mga papel at alam kong mga piyesa iyon. May kinuha siyang isang papel at bumalik sa kinauupuan namin.

Maliit lang ang upuan sa harap ng piano kaya nagkakadikit ang aming mga braso. Bawat dampi ng braso niya sa braso ko ay may kaakibat na init at kuryente. Feeling ko ay ilang minuto na lang ay matutunaw na ang upuan sa init ng nararamdaman ko sa kanya.

Inilapag niya sa taas ng piano ang piyesa ng "Gloria in Excelsis Deo". Kung titingnan ang kantang ito ay madali lang pero nang makita ko ang piyesa ay kitang-kita ko na mahirap itong tugtugin. Maliban sa mabilis ito ay andaming daliri ang kailangan tipahin ng sabay-sabay. Napatulala ako sa piyesa na kinuha niya.

"Kuya, parang ang hirap naman po yata niyan." di ko napigilang sabihin.

Napatawa siya sa sinabi ko.

"Wag kang mag-aalala. Kaya ko nilapag iyan sa harap mo dahil gusto ko bago matapos ang search-in na ito ay alam mo nang tugtugin iyan. Alam mo ba kung bakit?" simple lang niyang paliwanag.

Umiling ako.

"Dahil sa huling araw ng search-in ay may pagtatapos o graduation. Tuwing graduation, pinapakita din ang mga angking galing ng mga nag-search-in. Gusto ko tugtugin mo iyan." sabi nito sabay akbay sa akin.

Dapat sa pagkakataong ito ay mahihimatay na ako sa pagkakaakbay niya pero dahil sa sinabi niya na tutugtugin ko iyon sa loob ng ilang linggo na lang ay napakaimposible at kahit sinong malibog kagaya ko ay mawawala iyon sa sinabi ni Kuya Michael.

"Hindi ko po kaya 'yan." sabi ko sabay yuko.

Niyugyog niya ang balikat ko habang nakaakbay pa rin.

"Kaya mo 'yan. Alam mo namang tutulungan kita. Kahit hindi lang tuwing ganitong oras. Kung gusto mo talaga matuto kahit Sabado o Linggo ay tutulungan kita." nakangiti pa niyang sabi.

Ano pa nga ba? Makakatanggi pa ba ako doon? Siyempre ang taong gustong-gusto kong makasama palagi ang nagsasabi sa akin na magsasama kami palagi e di siyempre... "GO!" Hahaha.

Tumango ako sabay ngiti.

"Good. That's my boy!" pabiro pa niyang sabi.

Sa isip ko, inaangkin niya na ako. 'My' daw e. Ibig sabihin pag-aari na niya ako. Kinilig naman ako doon.

"Sige, para di ka mahirapan, uunahin natin ang mga mababagal na parte ng kanta." sabi pa nito.

Nagsimula na siyang tumipa.

Di ko napigilan na kumanta kasabay ng pagtipa niya.

Laudamus te
Benedicimus te
Adoramus te
Glorificamus te

Napalingon siya sa akin nang kumanta ako. Naalala ko. Soprano pala ang ginawa kong pagkanta. Noong nasa choir kasi ako nung bata ako e Soprano 1 pa ang boses ko. Di pa nadedevelop ang adam's apple at vocal folds ko.

(Note: Vocal folds daw at hindi vocal cords, yan ang sabi sa akin ng Music Director namin dati at ng mga Biology teacher ko. So, walang kokontra =) )

Kumunot ang noo niya. Namula ako. Baka sabihin niya bakla ako dahil babae ako kumanta.

"Sensiya na po. Bata pa kasi ako e. Sa choir kasi namin sa school, soprano ako. Pag high school na daw ako saka na magiging lalaki ang boses ko." mahaba kong pagpapaliwanag.

"Hindi, wag kang mag-alala. Di ako nagagalit o naiinis. Nagulat lang talaga ako kasi kung hindi ako nakatingin sa iyon iisipin ko talaga na babae ang kumakanta." nakangiti pa nitong sabi.

My Elementary SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon