My Short Christmas Series ... (Chapter 3, Christmas Eve, Ho ho hoe)

4.1K 204 9
                                    

Advance Christmas Gift - very long post
====================================
December 24 - Pang-siyam na araw ng simbang gabi. Huling simbang gabi sa taong ito. Siyempre maaga pa lang ay puno na ang simbahan. Isang upuan na lang ang bakante kaya si Mama Fary na lang ang pinaupo namin. Kaming lahat ay nasa likuran lang nakatayo. Magkatabi kami ni Feljan, tapos si Rey, Kuya Bon at ang mag-asawa.

Sa bandang unahan namin ay andun si Ian at ang pamilya niya. Sa kabila naman ang magkapatid na Ryza at Icko. Natatawa pa rin ako kapag naalala ko na kaya pala ang lalayo ng pangalan nila sa isa't isa dahil mga palayaw lang pala nila iyon. Frederisa at Frederico pala ang tunay nilang pangalan. Kaya Ryza at Icko... Hahaha.

Napapangiti ako kapag lumilingon si Icko, naiinis ako kapag si Ryza naman, at nalulungkot kapag si Ian. Alam ko dapat ay si Baby Jesus ang iniisip ko sa Simbang Gabi na iyon pero marami pa rin ang gumugulo at kumukuha ng atensiyon ko.

Pagsapit ng "Our Father" ay naghawakan kami ng kamay ni Feljan. Pawisin ang kamay niya. Pero di ako nandiri. May kakaibang init kasi ang paghawak niya sa akin.

Pagkatapos ng Our Father ay ibinaba na namin ang kamay namin.

Pagdating sa "Peace be with you" ay lumingon si Ryza sa akin. Ngumiti. Tumango ako. Lumingon din si Icko, nakita kong nag-iba ang tingin niya, napunta sa baba tapos bumalik sa harap ang tingin. Ang huli ay si Ian, napako ang tingin niya sa baba at di sa mukha ko, napatingin din tuloy ako. Saka ko lang napansin na di pa pala nakabitiw si Feljan sa akin. Doon na ako bumitiw. Saka ako uli tumingin kay Ian.

Ayoko namang isipin niya na pinagpalit ko kaagad siya. Kung siya nga di pa niya nagagawang hawakan ako ng matagal sa simbahan e. Ayoko rin naman isipin na pinagseselos ko siya, baka isipin niya desperado ako.

Nilingon ko si Feljan, wala itong sinabi, nakapako ang tingin sa harap.

Pagkatapos ng misa ay tumakbo si Ryza papunta sa akin. Nagulat ako ng hinalikan niya ako sa pisngi. Inis akong humarap sa kanya.

"Sorry. Peace" sabay gawa ng peace sign. "Merry Christmas!" bati nito.

"Wala pa ah." sagot ko.

"E siyempre, wala naman ako sa bahay niyo sa Pasko e, kaya better early than late di ba?" sagot naman nito.

"Thank you." sabi ko na lang.

"Siyangapala, we have a gift for you." sabay abot ni Icko sa akin ng dalawang box.

Napangiti ako... dahil kay Icko.

"Thanks." sabay tapik ko sa braso niya.

"Thanks." sabi ko naman kay Ryza.

Ngumiti siya at iniharap ang pisngi sa akin. Naghihintay ng kiss. Siyempre dahil Pasko, sige pagbibigyan kita. At humalik na nga ako sa pisngi niya.

"Thank you." sabi niya sabay hila kay Icko papalayo.

Kumaway lang si Icko habang tumatakbo sila ni Ryza papalayo.

Nakita ko naman na pasakay ng van nila sina Ian. Di nakatingin sa akin. Si Illiane ang kumakaway sa akin. Ngumiti ako at kumaway din sa kanya. Hinihila niya ang damit ni Ian para humarap sa akin. Kaso sumakay na ito ng van.

Medyo nalungkot ako. Sa loob-loob ko, gusto ko pa rin siya bilang kaibigan, kahit papaano, naging masaya naman kami bilang magkaibigan.

Bad mood ako nang sumakay sa van. Napansin din ni Feljan iyon kaya di niya ako kinakausap.

Hawak-hawak ko ang mga regalo ng magkapatid. Sa bahay ko na bubuksan.

"Mabuti naman at sa magagandang pamilya yung mga kinakaibigan mo, Angelo." puna ni Mama Fary. Sabay lingon sa akin.

My Elementary SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon