My Provincial Series... (Chapter 28... A Sad Finale)

5.9K 252 40
                                    


Maaga pa nang dumating sina Mama at Papa para iligpit ang gamit ko. Lubos ang pasasalamat nina Mama at Papa kina Tito Ed at Tita Anna dahil sa pagbayad sa hospital bills ko. Sabay-sabay na kaming bumalik sa bahay ni Lola.

Kahit na ayaw nina Tita Anna at Tito Edward na pumunta doon dahil di naman sila kamo kaano-ano ay napilit pa rin sila nina Papa.

Madali namang nagkapalagayan ng loob si Papa at si Tito Ed. Sina Mama at Tita Anna ay nagkakilala na rin dati kaya para na kaming one big happy family na nag-uusap ang mga magulang. Naiisip ko na ikakasal na kami ni Jan. Habang nasa kotse naman kami ay nakaakbay lang si Jan. Parang ayaw niya akong mawala sa tabi niya.

Pagkadating namin sa bahay ay di na kinuha nina Tito Ed ang gamit nila sa kotse. Tutal sasaglit lang daw sila at uuwi na rin. Dumaan lang.

Agad na pumasok kami at nakisalamuha sa mga bisita. Si Jan naman ay di matanggal-tanggal ang pagkakaakbay sa akin. Di matanggal ang ngiti sa mukha nito. Agad namang napansin iyon ni Ivan pagkapasok namin. Isang matalim na tingin ang pinukol sa amin ni Ivan. Inirapan ko na lang siya at tumalikod.

Habang nasa bahay kami at umiistima sa mga bisita at nakikilamay ay di humihiwalay si Jan.

"Jan, diyan ka lang ba palagi sa tabi ko?" biro ko pa dito.

"Siyempre." agad namang sagot nito. "Baka kasi malingat ako e andun ka na naman sa Ivan na yun."

Napangiti ako sa sinabi niya. Natatakot pala itong maagaw ako. Mas guwapo nga si Ivan sa kanya pero mas malalim naman ang pinagsamahan namin kaya di siya dapat mag-alala.

"Ano ka ba? Di mo ba alam na di kita ipagpapalit dun? Ngayon pang alam kong ikaw talaga ang mahal ko at wala nang iba." bulong ko sa kanya.

Abot hanggang tenga ang ngiti na binigay niya sa akin.

Maya-maya pa ay bumaba na kami sa balkonahe ng bahay at doon nakita ko sina Kuya Joy at Glenn na nag-iinuman. Agad kaming tinawag ng mga ito at lumapit naman kami. Tinagayan nila kami ni Jan at agad naman silang nagkapalagayan ng loob.

Maya-maya pa ay dumaan sa tabi namin si Ivan at umupo sa harap ko katabi ni Glenn. Matalim pa rin ang tingin sa amin ni Jan pero di nagsasalita.

Tuloy lang kami sa pag-iinuman. Nang dalawang oras na kaming nag-iinuman ay parang tinatamaan na kaming lahat. Nagiging madaldal na si Ivan pero si Jan ay seryoso lang at palaging ako ang inaatupag.

"Alam mo bagay kayong dalawa." sabay sabi naman ni Kuya Joy. Tinuturo kami ni Jan.

"Gago ka talaga Kuya." saway ko naman dito.

"Bakit? Bagay naman talaga kayo. Di ba?" sabay siko nito kay Ivan.

Matalim na tingin lang ang binalik sa kanya ni Ivan.

"Oops. May nagseselos yata dito." biro naman ni Kuya Joy.

"Tumigil ka nga." sabay tulak ni Ivan kay Kuya Joy.

Agad namang napikon si Kuya Joy dahil nalaglag siya sa upuan sa pagkakatulak ni Ivan. Agad na tumayo ito at sinuntok si Ivan. Tinamaan si Ivan sa dibdib at napabagsak. Nasama si Glenn sa bagsak kasi nasa likod niya ito.

Agad naman kaming napatayo ni Jan. Inawat ko si Kuya Joy. Pinilit namang patayuin ni Jan si Glenn at Ivan. Kinuha ni Glenn ang kamay ni Jan at tumayo ito. Tinabig naman ni Ivan ang kamay ni Jan

Agad namang dumating sina Mama at Papa at iba pa naming kamag-anakan dahil sa ingay namin. Pati sina Tita Anna at Tito Ed ay andun.

Agad na nilapitan ni Tita Josie si Ivan.

My Elementary SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon