My Paolo Series... (Chapter 29, How to Love for the Last Time)

2K 107 17
                                    


"Fiancée? He never mentioned this." si Mama Fary.

"Of course he won't Ma. In fact, we never wanted to mention this in front of you." medyo nahihiyang sabi ni Tito Leo. "But, due to these circumstances arising, we need to be firm. He needs to go back to Germany."

"Pa..." tawag ni Kuya Paolo kay Tito Leo.

"I don't think that he is into this now Leo. Halata naman sa bata na ayaw pa niyang magpakasal." si Mama Fary.

"Ma, he's just having cold feet. Five years na silang magnobya ni Giselle. This has been planned for more than a year. We just asked him to come here for the holidays para naman makavisit siya while he is still a bachelor. Pero for some reason he doesn't want to come back home." si Tito Leo.

"Pa, I don't want to get married with Giselle anymore." mahinang sabi ni Kuya Paolo.

Tahimik lang ako. Ayokong sumali. Kahit na gusto nang sumabog ng dibdib ko.

"What's with this madness iho? You know well kung gaano na kalaki ang nagastos natin para sa paghahanda sa kasal mo." galit na si Tito Leo.

"Leo, maybe he needs time to think about this. Anyway, he's still just a kid." pamimilit ni Mama Fary.

Ngumiti si Kuya Paolo sa kanya.

"We don't have time. His wedding is scheduled 3 weeks from now." si Tito Leo ulit.

Tumayo si Mama Fary sa gulat. Si Kuya Paolo ay kalmado pa rin, alam niya talaga iyon.

"What? That soon? As in this May?" gulat na gulat si Mama Fary. Nagsimula nang maglakad ng pabalik-balik.

"Yes, May. After all, May is the wedding month in Germany. Last year pa nakaplano ito." paliwanag ni Tito Leo.

"This is insane!" sumigaw na si Mama Fary.

Lumapit si Tito Leo kay Mama Fary at inakbayan ito.

"Ma, don't shout. Di naman namin ginusto ito e. This was all Paolo's idea. Sila ni Giselle ang nag-decide na magpakasal. We were all against it at first pero they were persistent. Until both of us agreed on this. Now, after all the time and money that we have spent he's saying that he changed his mind? That, we can't accept... or rather we won't understand." mahabang sagot din ni Tito Leo habang pinapakalma si Mama Fary.

"Ma, akyat po muna ako sa taas. Medyo inaantok na ako e." sabi ko.

Tumayo si Kuya Paolo. Ngumiti ako sa kanya.

Umakyat na ako. Ayoko nang pakinggan ang usapan nila, masakit sa dibdib ko. Parang nakikinita ko na kung ano ang magiging katapusan ng usapan nila.

Nagkulong ako sa banyo. Naglublob sa bathtub. Di ko namalayan na nakaidlip na ako.

Maya-maya ay naramdaman ko na may bumuhat sa akin.

"Angelo?" rinig kong boses ni Kuya Paolo.

Iminulat ko ang mata ko. Nakangiti si Kuya Paolo sa akin.

"Ano bang pumasok sa isip mo? Magkakasakit ka niyan e." sabi nito.

Ngumiti ako. Kahit na masakit pa rin ang dibdib ko sa nangyari kanina.

Binuhat ako nito at inilapag sa kama. Siya na ang kumuha ng tuwalya at pinatuyo ako. Pinunasan ng dahan-dahan ang katawan ko.

"Kuya... Aalis ka na?" masakit man pero naitanong ko rin sa kanya.

Di siya sumagot. Binihisan niya muna ako.

"Pao... please? Sabihin mo po sa akin para po alam ko kung ano nangyayari." pamimilit ko dito sabay ngiti.

My Elementary SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon