My Paolo Series... (Chapter 19, In Your Arms)

2.4K 112 19
                                    


Kinabukasan ay kinausap ni Mama Fary si Kuya Paolo tungkol nga sa sinabi ni Catalina na hindi na daw siya pumapasok.

"Sorry po Ma, di ko nasabi sa inyo agad. Nabalaan na po ako ng kasama ko sa office na buntis si Cat e kaya di na po ako pumasok ng ilang araw na." nahihiyang sabi ni Kuya Paolo.

"Kung sana lang kasi sinabi mo sa akin ng maaga para di kami nabigla. Ano na lang kung ako lang andito kagabi at wala si Angelo e di inatake na ako?" mahinahon pa ring sabi ni Mama Fary.

Di sumagot si Kuya Paolo.

"Ano'ng balak mo ngayon? Papanagutan mo ba iyong ginawa mo kay Cat?" sunod na tanong ni Mama Fary.

Tumingin sa kanya si Kuya Paolo. Tapos tumingin sa akin.

"Hindi pa po ako handang matali. Tsaka di ko rin sigurado kung anak ko yun kasi bago pa man naging kami ay kakabreak niya lang sa boyfriend niya. At sabi nga niya e palagi daw nilang ginagawa iyon ng lalaking iyon. Isang beses lang po nangyari sa amin iyon at medyo lasing po ako nun. Hindi ko na inulit at nakipaghiwalay na ako dahil masyado siyang agresibo." kuwento ni Kuya Paolo.

"Halata naman e." susog ko pa.

Tumingin sa akin si Mama Fary.

"Pero totoo ba yung sinabi mo kagabi? Yung nakita mo sa hotel kamo na hinahawakan niya ang hita ni Paolo?" tanong ni Mama Fary sa akin.

Kumunot ang noo ni Kuya Paolo.

"Nakita mo kami?" takang tanong nito.

"Opo. Nung isang araw na masama ang pakiramdam ko na papaalam sana akong uuwi. Naabutan ko kayo nun sa lobby ng hotel. Di ko na kayo inistorbo. Umuwi na lang ako mag-isa." half-truth, half-lie na sabi ko. Totoong nakita ko sila pero iba ang dahilan bakit ako pumunta doon at umalis.

Nalungkot ang mukha ni Kuya Paolo.

"Ang susunod na gagawin ng mga iyon ay maghabol ng demanda." pagpapatuloy ni Mama Fary.

"Ano'ng kaso?" gulat na tanong ni Kuya Paolo.

"Di ko pa alam pero itatanong ko agad sa mga abogado natin." sagot ni Mama Fary. "...ikaw Gel, totohanin mo ba yung sinabi mo kagabi tungkol sa ginawa nung papa ni Catalina?"

"Opo. Di ko naman po sila pwedeng basta-basta na lang pagbigyan na saktan ako. Child abuse na po yung ginawa nila sa akin. Yung murahin at kuwelyuhan ako? Hindi ko po matatanggap yun. Hindi lang sila may abogado." inis ko ring sabi.

"So ano'ng balak mo?" tanong ni Mama Fary.

"Hmmm... kapag dinemanda po nila si Kuya Paolo, idedemanda din po natin sila." sabi ko.

Naalala ko kasi kagabi ang sabi ni Papa dati na kapag may nanakit o nagmura sa akin ay pwede kong idemanda kung may kilala akong abogado.

"Kontra-demanda, pwede din. Kunsabagay, mas mabigat ang ginawa nila sa'yo. Kung si Paolo man ang nakabuntis kay Catalina, di naman maliwanag kung anong pwedeng ikaso doon." paliwanag ni Mama Fary.

(Note: 2004 lang ginawa ang Republic Act on Violence Against Women and Children kung saan ang di pag-ako sa pagkakabuntis ay pwedeng idemanda, pero nangyari ito bago pa mag-2004.)

Pagkatapos naming mag-usap-usap ay hinatid na ako ni Kuya Bon sa Mary Mart. Ayaw payagan ni Mama Fary si Kuya Paolo na umalis na bahay dahil baka daw ano pang gawin nito. Pansin kasi ni Mama Fary na galit na galit si Kuya Paolo.

Medyo malungkot ang nangyari kagabi. Naglalakas lang ako ng loob pero sa totoo lang nalulungkot ako, nagagalit, at kinakabahan. Halo-halo na sa loob ko ang mga nararamdaman ko.

My Elementary SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon