My Fresmen Series... (Chapter 17, First Encounter in School)

4.9K 209 19
                                    

This is it...

Hi BF nyelnyel17

===========================================

Mabilis na nagdaan ang panahon, nagkaroon ng mga audition para sa iba't ibang organizations.

Si James ay nag-tryout sa chess club. Matalino naman kasi siya. Magaling siya sa problem solving. Si Rod ay nag-tryout sa Math Club para sa Damath at Math Olympiad.

"Ikaw Gel, saan ka mag-tatryout?" tanong ni Rod.

"Di ko nga alam e. Parang wala naman kasi akong talent."

"Hahaha. Ikaw walang talent? Para mo nang sinabing bobo kami. E ang galing-galing mo nga mag-drawing e."

"E bakit? May organization ba para sa mga artists?" balik kong tanong sa kanya.

"Kunsabagay."

"Pero di ba magaling ka rin kumanta?" sabad ni James.

Natawa ako ng palihim. Anong kanta ba ang tinutukoy niya? Kanta gamit ang nota o yung isa pang nota? [Sa mga hindi alam kung ano ang isa pang "nota", research niyo na lang] Kasi pareho namang magaling ako dun e.

"Hindi naman sa magaling, marunong lang." pa-humble effect ko pa.

"Palagi mong script yan. Sasabihin mo marunong ka lang at hindi magaling pero parang walang pwedeng ipantapat sa iyo dito." sabay gulo ni James sa buhok ko.

"E di sumali ka na lang sa choir ng school." sabay pitik ni Rod ng daliri niya, nakaisip ng ideya agad.

Napatigil kami ni James sa harutan.

"Oo nga. Mag-choir ka na lang." sang-ayon ni James.

Naisip ko, pwede din. Kasi pag choir e hindi yun solo. Kaya hindi pangalan ko ang makikita sakaling manalo kami kundi pangalan ng grupo. Pwede.

"Sige. Tama yun. May idea ka ba kung kelan o anong oras ang audition nila?"

"Sabi ni Stacey (May crush kay Rod) mamaya daw alas-singko e." si Rod.

"Ano? Mamaya na? OA naman." sabi ko.

"E bakit? Alam ba nila na mag-aaudition ka at hindi ka ready?" OA na sagot ni Rod.

"Okay lang yan. Kumanta ka lang ng kahit ano." si James sabay akbay sa akin.

"Wala akong alam na kantang pang-audition e." sabi ko.

"E di yung theme song nating dalawa?" biro pa nito.

Theme song? Kami na ba? Di ko alam. Hahaha, naisip ko lang.

"Ganun? Sana kung andun ka para masarap kantahin." double-meaning kong sabi.

"Alangan naman pati ako mag-audition." tutol nito agad.

"Sige na nga. Iyon na lang." sabi ko.

Dumating ang alas-singko ng hapon. Pumunta ako sa Choir Room. Bakit kasi sa choir room pa ang audition, tuloy andaming nakakakita kapag kakanta ako. Nasa choir room si Mrs. Villas, yung choir director, si Mrs. Alba - assistant choir director/voice coach, at si Mr. Lim - Coreography, expression, blocking at performance coach. Andun din ang mga kilala kong mga miyembro ng choir dahil palagi ko silang nakikita kapag nagpeperform ang choir. Andun din ang mga kabadong tulad ko na mag-aaudition.

Agad na nagpalista ang mga sasali. Kasama na ako doon.

"Sa mga first years, good luck sa inyo. I hope na makapasok kayo dahil by next year may NAMCYA (National Music Competition for Young Artists), isang patimpalak para sa mga solo and group artists. Kung papalarin kayong makapasok, kasama kayo at kapag nakapasok tayo sa national level ay makakasama kayo sa Manila para sa finals. So good luck!" pagbati pa ni Mrs. Villas.

My Elementary SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon