Binale-bale ko pa 'yung kamay ko na para bang ginagaya ko 'yung kilos ng mga bakla. Napangiwi naman siya dahil sa iniasta ko at umirap. See? Diba parang beki.

"Gaga! May angel ba na bakla? Tsaka hello? Ang judgmental mong babaita ka!"

Kita mo, nagmumura na nga, parang bakla pa magsalita.

"At FYI, nababasa ko 'yung iniisip mo 'no! Tsaka bakla ka, iniisip mo pa talaga 'yung pagkatao ko sa gitna ng lahat? Dai! Maraming problema ka ngayon oh!"

Pagkatao? Tao ka ba?

Hay naku! Ba't ko ba iniisip ang mga bagayna 'yan! Magdadasal na nga lang ako. Panggulo 'tong si Mikaels. Pinikit ko na ang mga mata ko.

"Better! Dapat kanina mo pa ginawa!"

Lord, si Gabriel po, kung hindi po siya para sa akin, gawin Niyo po sana ang lahat para maging kami hanggang sa huli. Ayaw ko po ng ibang lalaki, si Gabriel lang po talaga. Ngayon---

"Kakaibang binibini! Hindi iyon maaari! Kung hindi kayo ni Gabriel, hindi talaga! Siya ay nakatadhana sa ibang binibini at ikaw naman ay nakatadhana kang mamatay."

Hindi ko na masiyadong pinakinggan ang huling sinabi niya para hindi na ako madistract. Itong angel na 'to, kung hindi siya kilala ay mapagkakamalan ko talaga 'tong budol-budol.

Ngayon lang po ako humiling sa inyo kaya please, sana po, siya na talaga. Ako rin, gagawin ko po ang lahat ng gusto Niyo para sa akin basta magkatuluyan po kami ni Gabriel. Matuloy na po sana ang love story namin ni Gabriel na noong 1896 pa naudlot.

"Tila ang kapal ng iyong mukha, Chloie. Nakakatawa kang pakinggan," natatawang sabi ni Mikaelo Angelito. "Pagkatapos mong magdasal ay hayaan mong payuhan kita." Tumango na lang ako dahil ayaw ko na siyang manggulo pa.

About kay Sir Lienzo naman po, Lord. Buksan Niyo po ang pintuan Niyo sa kaniya at patuluyin Niyo po siya sa Inyong kaharian. Mabuting tao po 'yong sir namin. Kayo na po ang bahala sa kaniya.

"Sa langit talaga mapupunta si Leonardo dahil noon pa man ay mabuti na itong tao at alam nating lahat na busilak ang kaniyang puso. Ang dapat mong dinadasal ngayon ay future mo. Dapat ipanalangin mo na, nawa'y ibigay na sa iyo ang buhay na ito.

Bumuntong hininga ako at tumango. Nakatingin ako sa sahig. "Sa totoo lang hindi ko talaga alam ang future ko. Hindi lang ito tungkol sa amin ni Gabriel," tumingin ako sa mga mata niyang kulay blue. "Tungkol na rin ito sa akin. Hindi ko alam kung ano ang magiging future ko!"

Natawa siya matapos kong sabihin 'yon. "Malamang dahil tao ka lang. Feeling mo, angel ka na rin kasi angel ang kausap mo? Hindi, tao ka pa rin!" Napangiwi ako kay Mikaelo.

Minsan ang lalim niya magsalita minsan naman parang kasing edaran ko lang siya. Nalilito din ako sa isang 'to eh.

"Of course! Binabagayan ko lang kung nasaan ako 'no! Minsan kaya napapalalim ang aking pananalita ay dahil pakiramdam ko ay nasa aking harapan si Maria Clarita Arcilla ng taong 1896."

"Tumitigil ka na nga! Nanonose bleed na ako!" Napakalalim na naman kasi ng Tagalog niya. Nagsimula na ang maglakad palabas kaya sumunod na rin siya. Matirik ang araw ngayon at masakit sa balat, pero pinili pa rin naming maglakad sa Baclaran.

"Ibig kong sabihin 'di ko makita 'yong sarili ko sa isang trabaho. Hindi ko mafeel na magiging teacher ako, abogado ako, engineer ako o kung ano pa mang trabaho 'yan. Nakakainggit nga 'yong iba, elementary pa lang alam na kung anong future work nila. Ako nga.." natatawa akong lumingon kay Mikaelo. "Nursing 'yong pinapakuha nila sa'kin, pero takot ako sa dugo. Nagnursing rin ako kasi... 'yun ang choice nila Beauty."

Carpe DiemWhere stories live. Discover now