Iinom sana ako ng milk tea ko, pero may narealize ako. Tiningnan ko ulit si Elaine at nanlaki ang mga mata ko dahil parang nakita ko siya! Hindi ko lang matukoy kung saan pero nakita ko na siya. Ang pangyayaring ito ay parang nangyari na. Deja vu ba ang tawag dito?

"Ayon sa club member namin mula sa Class E, inaasar daw nila si Sir na magkuwento sa lovelife niya. Alam niyo na, pampaubos oras daw gaya ng ginagawa natin minsan. Ang sabi naman daw ni Sir, broken daw siya at ayaw niya nang pag-usapan pa. It's complicated pa raw at baka next year pa siya magka-love life kung papalarin."

Pinikit ko ang mga mata ko at pinilit alalahanin kung saan ko nakita noon si Elaine. Pinipilit ko rin alalahanin kung bakit parang nangyari na ito dati pero wala. Nahilo lang ako sa kakapikit.

At saka ko lang narealize ang pinag-uusapan nila. Hindi sa pagiging assumera, pero hindi ba parang ako 'yung girl na tinutukoy nila? Komplikado kami ni Sir dahil estudyante niya ako at ang sabi niya ay next year pa daw siya manliligaw. Napailing ako sa sarili ko.

Hindi puwede 'to. Hindi puwedeng mafall sa akin si Lienzo dahil meron na akong boyfriend at si Gabriel 'yon na dati ko pang mahal. Noon pa man at ngayon, siya pa rin ang pipiliin ko. Siguro nanghinayang lang ako noon kay Leonardo, pero si Gabrielo ang mahal ko. Exaggerated lang magkwento si Mikaelo Angelito.

-

UMUWI ako nang mag-isa dahil hindi ako sinundo ni Gabriel. Okay lang, sanay naman na talaga akong mag-isa eh pero simula no'ng sinimulan niya akong hatid at sunduin, parang nasanay na rin ako sa kaniya. Nakakatakot na tuloy ngayon mag-commute. Feeling ko, mahohold-up ako.

From: Gabriel:

Hey, I'm sorry. Hindi kita masusundo ngayon.

To: Gabriel

It's okay.

Hindi niya sinabi sa akin ang dahilan kung bakit, pero kailangan pa ba 'yon? I mean, he's a soldier. Understandable na busy siya kasi gano'n ang trabaho niya eh. Pero I think kailangan pa rin niyang sabihin sa akin. Iba na kasi ngayon. I am now his girl.

Pagdating ko sa bahay, nandito na si Mama at Uncle Ricarcio. Nagmano ako nang makita ko sila. Nandito rin si Kuya. Kumakain sila ngayon ng siomai, nagmemeryenda.

"Kain na muna anak." Pinakita ni Mama ang plato na mayroong mga siomai. Umiling lang ako sa kaniya at ngumiti. Wala kasi akong ganang kumain, hindi ko rin alam kung bakit.

"Kumain ka na! Ikaw ah? Porque't wala si First Lieutenant nagpapalipas ka ng gutom." Kinutusan ako ni Kuya kaya napahawak ako sa nakaka-awang ulo ko. Kinunutan ko siya ng noo.

"Ano namang kinalaman ni Gabriel dito?" Inirapan ko siya. Natigilan ako ng may narealize. Hindi kaya ay alam niya? Close sila ni Gabriel eh. Hindi naman sa bawal akong mag boyfriend, pero kasi hindi ko sinabi sa kanila.

"Naku Pamangkin, huwag mo nang itanggi. Umamin sa amin si Jeremy," Natatawang sabi ni Uncle Ric. "Okay lang naman na magboyfriend ka, mapagkakatiwalaan naman 'yang si Soriano."

"Oo nga, mabait siyang bata. Ikaw lang Chloie ang hindi. Bakit mo nilihim ito sa amin ha?" Tinaasan ako ng kilay ni Mama kaya napaiwas ako ng tingin. "Naku ang anak ko, nagdadalaga na."

"Mama!" Saway ko at ngumiwi. "O-okay lang naman 'yon, 'diba Ma? Hindi naman na ako bata at sabi niyo nga po, mabait siya."

"Oo naman." Tumawa si Mama. "Basta ay huwag mong pababayaan ang pag-aaral mo at kapag mahal mo naman na talaga, mabuting sagutin mo na."

"Pero ikaw, hindi ka na pwedeng mag boyfriend, Gemma. Mahiya ka naman sa mga anak mo," sabi ni Uncle kaya natawa si Kuya. Hindi ko naman makuha ang sinasabi ni Uncle.

Carpe DiemWhere stories live. Discover now