Chapter 12

59 96 16
                                    

Savannah

"MAGTATAGAL ka ba sa Lycantra?" tanong ni Savannah kay Xav. Hindi maiwasang mabahiran ng lungkot ang boses niya. Mukhang ito na lang ang natitirang kalahi niya. Nakakatuwa na hindi pa pala siya tuluyang nag-iisa sa mundo na nagmula sa lahi ng mga Equillian.

"Hindi ko alam. Mahalaga at mahirap ang gagawin ko. Pero huwag kang mag-alala. Dadalaw naman ako. 'Di pa nga 'ko nakakaalis parang nangungulila ka na agad sa 'kin," paangal na ani nito.

Kung naaabot niya lang ang lalaki ay malamang nakurot na niya ito. Pero tama naman kasi ito. Paano bang hindi siya mangungulila rito gayong nang muli niya itong matagpuan sa Limbo ay naibsan ang kanyang pangungulila sa Equillius.

"Sabihin mo na kasi sa 'kin kung ano ba talaga 'yang mahalagang pakay mo nang hindi na 'ko nag-a-alala," pagpupumilit ni Savannah. Madalas niya ritong itanong kung ano ba iyong natuklasan nito tungkol sa carnage na nangyari sa Equillius kung saan nalipol ang buong tribo pero ayaw nitong magbigay ng detalye.

"Sasabihin ko sa 'yo. Pero dapat doon tayo sa ibang lugar. May alam ka bang lugar dito na hindi alam ng lalaking kasama mo kanina?" ani Xav.

Bahagyang sumasal ang dibdib ni Savannah. For him to say that it must be something serious. Sandaling nag-isip si Savannah. Hindi madaling isipin ang lugar na tinutukoy ni Xav. 'Di hamak na nauna ng ilang taon sa unibersidad na 'yonsi Matthew. Ano naman kayang lugar ang alam niyang 'di alam ni Matthew? Mukhang malabong may gano'n. Maliban nalang kung sadyain nila ang freezer. Matthew wouldn't for sure like it there. And sure enough, he hadn't been there.

"Sige. Doon na lang tayo malapit sa island palabas ng back-gate," ani Savannah. "May mga gazebo rin doon kaya pwede tayo doon mananghalian," dagdag pa niya.

Mabilis inipon ni Savannah ang mga gamit niya sa mesa. Kapagkuwa'y sabay na nila ni Xav iginiya ang mga sarili palabas ng library building.

Matthew

"ITO naman ang shelf para sa mga aklat tungkol sa pagtutuli," narinig ni Matthew na wika ng isang library assistant. Matapos ang orientation ng librarian ay ipinaubya na siya sa assistant. Ito na raw ang bahalang mag-tour sa kanya sa mga shelves kung saan niya i-a-arrange ang mga aklat na kinuha ng mga gumagamit ng library. Hindi kasi pwedeng ang user ang magbalik ng mga kinuhang aklat sa shelf. Iiwan lang dapat ito sa mesa matapos gamitin at ang mga assistant na ang magbabalik para masigurong nasa tamang shelf ang mga aklat.

Hindi nakuha ni Matthew ang lahat ng sinabi ng babae. Kanina pa lumilipad ang isipan niya. Naiirita na siya sa sarili niya. Napakahalaga nitong orientation. Sa performance niya rito nakasalalay ang pagkasalba niya bilang estudyante dahil sa dami ng na-incur niyang absences. Pero magmula pa kanina ay panay naman ang hila sa kanyang mga mata ng table na kinaroroonan ni Savannah at ng Xav na 'yon.

Sa pagkagulat ni Matthew, nang muling mapadako ang tingin niya sa pwestong inuukupa ng mga ito kanina ay wala na ang dalawa. Hindi alam ni Matthew kung bakit tila bigla ay may himagsikang nabubuo sa sistema niya.

"Excuse me, Miss. Can I take a break for a while?" paalam niya sa babae. Hindi na siya nahiya pa. Ang totoo ay hindi niya alam kung meron siya no'n sa mga pagkakataong ito.

"Okay, Sir. Gusto mo bang mag-lunch muna? Bumalik ka nalang mamaya sa free time mo. Hanggang alas sais ng gabi ang toka ko," anito. Mukhang napapansin rin yata nito ang pagiging absent-minded niya at ang desperasyon sa boses niya kaya niya napapayag.

Matthew heaved a sigh of relief. "Thank you. Kailangan ko lang talaga mag-take ng break. Babalik ako mamaya bago mag-alas sais," aniya saka tumalilis na palabas.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 03, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wolf MountainWhere stories live. Discover now