Chapter 3

87 111 8
                                    

Savannah

"HINDI nila ito palalampasin. And they will not leave you unscathed perhaps not even alive." May pag-aalala sa tinig ni Matthew. Pinagtakhan iyon ni Savannah. This man seemed to have this vice of sticking his nose to other people's affairs.

Tulad niya.

Uhm. Well, ang totoo ay hindi naman sa paki-alamera si Savannah. The last thing she'd hope to do is to be in trouble. Nais niya lang naman alalayang bumangon si Gelli. Pero sinipa siya ng babaeng ayon kay Matthew ay si Amelia.  

"Don't worry about me. Worry about yourself," walang kalatoy-latoy niyang tugon. It's a long day. And she's tired. Ang dami nilang kailangang gawin dahil sa insidente. Una, kailangan nilang ipagamot si Gelli, pangalawa, kailangan nilang mag-report sa students' affairs, pangatlo ay kailangan nilang magpa-blotter sa pulis. Mainam nang may record sa pulisya upang hindi na pakiki-alaman ng grupo si Gelli. Pang-apat, in between the hustle, they have classes to attend. Pang-lima, kailangan nilang hintayin na masundo si Gelli ng mga magulang nito. Nais ngang mapabuntong-hininga ni Savannah. Daig pa nila ang naging magulang buong araw.  

Tila nababagot na naiinis na ewan itong nakatingin sa kanya. 'Di yata nito nagustuhan ang huling sinabi niya. Ano nga bang sinabi niya? 'Worry about yourself.'  'Yon ang sinabi niya.

'Yon ba? Nag-sorry sa isipan si Savannah.

"Look." Matthew's aristocratic eyes was filled with hints of arrogance. "Alam kung malakas ka. Nakita kung may kaya kang gawin pero hindi mo sila kaya. Isang buong society sila ng mga siga, hindi lang sa loob ng university kundi sa labas." Kababakasan ng inis ang boses nito.

"Yes. You told me for the nth time already," aniya.

Nalukot ang noo nito. Mukhang kanina pa ito asar sa kanya.

"Then, why don't you bring yourself to your knees in front of Amelia and their group?"

Konti na lang at masasagad na siya ng lalaking 'to. Nababaliw na ba ito?

"Wait for the crows' feather to turn white for me to do that." 'Di niya na matandaan kung ilang ulit niya ng sinabi 'yon sa lalaki. Bakit niya kasi gagawin 'yon? Bakit siya luluhod sa grupo nina Amelia? Eh 'di mas lalong magiging bayolente ang mga ito. Hinding-hindi niya mato-tolerate ang kabuktutan ng mga ito. Mas lalong hindi siya magpapakababa sa mga tulad nito.

"You won't listen, would you?" He looked like he's at the end of his rope already.

"I won't. And you know what, I better go. Huwag mo 'kong alalahanin. I won't cause any more trouble," aniya. Una sa lahat, bakit nito naiisip na nasa posisyon ito para mag-alala sa kanya. Eh ngayon lang naman sila nagkakilala. "It was nice meeting—."

"Anong gagawin mo 'pag intake ka ng buong grupo nila?" Hindi pa man siya natatapos magsalita at magpaalam ay tanong nito.

"Run," deklara niya nang mula sa kung saan ay may nagsalita. 

"Quench Your Thirst tonight! Don't be a dork!"

Napalingon si Savannah sa pinagmumulan ng tinig. And from a convertible that stopped over, she'd seen three of the most gorgeous ladies she met on this world.

Hindi maunawaan ni Savannah kung bakit bigla na lamang siyang tinamad umuwi at sinipag makipagtalo sa lalaki. Why would the girls invite Matthew to quench his thirst tonight? Are they some kind of reservoir or something? What if he drowns? He's too nosy not to drown.

Ting.

Savannah's phone rung. It was Gerard. Kaibigan niya itong tao—totoong tao. He helped her a lot adjust herself to this strange world called Lupa.

Wolf MountainWhere stories live. Discover now