Chapter 2

88 114 10
                                    

Savannah

"W-WHAT n-now?" asked a baritone voice. Kanina pa nauutal ang lalaking tulad ni Savannah ay tila nais ring maghukay ng libingan. His height, unusual for humans and mascular built seemed not to coincide with his manner of speaking. Naguguluhan nga siyang sa kabila ng pag-uurong-sulong ng dila nito ay nagawa pa nitong pumagitna sa eksena kanina.

"Dadalhin natin siya sa clinic. May galos siya," tugon niya na ang tinutukoy ay ang babaeng sinaklolohan niya. At saka pwede mo ng bitawan ang kamay ko," aniya sa lalaki. She didn't mean to be rude and dismissive. Dahil hindi naman talaga siya ganoon. Shock nga rin siya nang kumawala ang mga salitang iyon sa bibig niya. May kung anong pwersa lang kasi sa kamay ng lalaki na hindi natatagalan ng sarili niyang mga kamay at kalamnan. Needless to mention the warmth in his hands was almost disarming her.

Matapos siyang bitawan ay iniunat ng lalaki ang kamay nito sa babaeng may makulay na suot. Si ate ay mukhang ayaw nang tumayo mula sa lupa. Nakaupo lamang ito na parang bata. Nakatunganga, mukhang hindi pa nagsi-sink in rito ang nangyari. Naglalakad siya kanina nang makita niya ito. Nakakaaliw itong tingnan dahil sa makulay na suot. Pati mga pang-ipit nito sa kulot na buhok ay makukulay. Ang haba ng stripes nitong medyas pero bumagay sa yellow green nitong stiletto. Ito pa lang ang babaeng nakikita niyang nagsusuot ng gano'n ka kulay sa university. Gano'n na lamang ang pagkurot sa dibdib biya nang bigla itong pinatid no'ng matangkad na babae. Dire-diretso itong bumulusok. She couldn't help but wonder how can one trip a foot of someone looking so sweet?

Mabilis na dinaluhan ni Savannah si candy girl. And boy, even her scent was candy. Kung hindi sana ito pinatid hindi sana tumilapon ang pink nitong eye glasses. Nang bigla na lamang siyang sipain nang babaeng pumatid sa binibining makulay. Nais niyang pigilin ito ngunit medyo napalakas yata ang pagharang ng kamay niya sa pagsipa nito kaya bumulagta.

Savannah wanted to hate herself. Ayaw niyang makasakit lalo na ng isang tao. Dayuhan lamang siya sa mundo ng mga ito. Mahirap pa rin ang mabuhay sa Lupa ngunit 'di hamak na mas mainam ang buhay niya rito kaysa sa sarili niyang mundo. Dito, hindi lamang siya isang bayarang sundalo. Dito malaya niyang nagagawa ang mga dati'y tila imposibleng pangarap lamang sa kanya sa Lycantra—tulad ng tsansang makapag-aral sa isang unibersidad. Salamat kay Crypton, ang lobong humila sa kanya mula sa snow nang magkasunog sa Exilium.

"Ihahatid na kita sa clinic," anang lalaki kay candy girl. Sa huli ay mukhang nahanap na ng lalaki ang kaayusan sa pagsasalita nito. And she's amazed how his deep baritone voice suddenly felt like music. And she hated just how striking the man's navy blue eyes were. Hindi naman gano'n ang pagtingin niya rito kanina. Wala rin sa plano niya ang kumilatis ng pisikal nitong kaanyuan. It's just alarming that his stares were effortlessly crippling. His highly defined jawline, manly cheekbone and chiseled nose made him look like an Alpha male of a powerful wolf pack in Lycantra. His hair was grayish like he did not come from the worlds she'd known at all.

Medyo tulala pa rin ang babaeng makulay. Mukhang sinisikap nitong mag-sink in ang nangyari ngunit hindi nito magawa. Bahagyang nakanguso ang mga labi nito. Parang batang inagawan ng laruan. Kung tutuusin nga ay higit pa do'n ang dinanas nito.

"Ako nang maghahatid sa kanya," ani Savannah. Magpahinga ka na lang. At salamat sa tulong mo, hindi na lumala pa ang nangyari."

Again, that crippling stare. Maybe he's not really staring. Sadyang may pumipiksing sulok lamang ng mga kalamnan niya sa tuwing tumitingin ito. And it was so hard to handle.

"Pwede naman sigurong dalawa na lang tayong maghatid sa kanya. May kailangan din tayong pag-usapan," anito.

Luh. Ipinagtaka iyon ni Savannah. Pero hindi siya nagtanong. Sabihin nito ang gusto nitong sabihin. Sa halip ay hinawakan niya ang isang kamay ni candy girl upang maigiya ito sa, well, sa... Teka, nasaan nga ba nag clinic?

Wolf MountainWhere stories live. Discover now