Chapter 6

55 99 1
                                    

Savannah

"GRRRR!" pananakot nina Savannah at Xav sa mga ordinaryong lobo na nasa yungib. The sound that came out was funny. Roaring was so much better in their lycan form. But they didn't care. They were resolved to snatch some territory. Transforming into their wolf form meant losing their clothes. They don't want that. But they had to hide themselves from a group of young bears nearby. Mayroon pa naman silang ibang pwedeng pagtaguan. Pero napasunod na lamang siya kay Xav. Para bang sinasadya talaga siya nitong dalhin sa yungib.  

Matapos ma-intimidate ang mga lobong nasa yungib ay sabay na napangiti sina Savannah at Xav. Mga ordinaryong wolves lamang ang nasa yungib. Hindi nagkakatawang Homo-sapiens ang mga ito.

"Anong lugar 'to?" tanong ni Savannah sa binatilyonbg si Xav nang makapasok na sila sa yungib. Dati-rati, nang mga bata pa sila, nauusyuso siyang tuklasin ang saganang kasukalan sa kabilang dulo ng tuyong lawa. Pero hindi iyon naging sapat upang pumayag siyang makipaglaro sa isang Alpha mula sa lupain ng mga blue-bloods. Pakiramdam niya ay kumplikado iyon. Isa pa, tila sumisikdo ang dibdib niya sa tuwing nagsasalita si Xav. Anong laro naman kaya ang alam nito? Masaya na siya sa mga kalaro niya sa village nila. Pero mapilit ang kanyang ama. Hindi niya rin maunawaan kung bakit sumang-ayon ang kanyang ina. Hindi raw pwedeng tanggihan ang Alpha. Pakikipaglaro lang naman daw ang hinihiling nito. At heto na nga sila. Ilang taon na rin silang magkaibigan. Nagdadalaga na siya. Binatilyo na rin si Xav.

"Bahagi pa rin ito ng Zsiriuh. Hindi naman tayo gaanong nakakalayo," anito habang naghuhubad ng coat. Hindi na gano'n kalamig sa loob ng yungib. Tila nanghihina ang katawan ni Savannah. Naaasar siya kay Xav. Sa kabila ng medyo maalinsangang temperatura ay tila wala man lang pinagbago sa reaksiyon ng katawan nito. Gano'n ba ang mga Alpha?

Hinubad rin ni Savannah ang sariling coat at ipinatong sa balikat. The cave smelled like, well, a cave. There's this pungeant whiff of bat piss. It also reeked of dried insects. Habang patuloy sila sa paglalakad papasok sa yungib ay mas lalo pang umaalinsangan ang temperatura.

Inaayos ni Savannah ang pagkakapatong ng coat niya sa balikat nang may mapansin siya.

Zeus Aronowitz. Born...

"Himlayan ito ng mga ninuno kong Alpha," biglang sabad ni Xav.

May kadiliman sa loob ng yungib. Pero hindi niyon naitago ang lungkot na biglang dumaan sa mga mata ni Xav. Kahit alam niyang hindi nito sinasadya, may nahimigan siyang malalim na pait dahil sa sinabi nito.

"Oh, I'm sorry..." nausal niya. She was genuinely sorry but at the same time confused with his grief. Parte ng buhay ang kamatayan. Hindi ba nito tanggap iyon? Hindi ba't mas mataas dapat ang level ng sense of acceptance nito tungkol sa bagay na 'yon? Nabibilang ito sa lahi ng mga Alpha.

May mga nangyayari bang hindi alam ni Savannah?

Malamang. Marami siyang hindi nalalaman. Sino ba naman siya sa pack bago pa siya naging kalaro ng werewolf mula sa lahi ng mga Alpha?  

Xav smiled half-heartedly.

"Hindi mo kailangang mag-sorry. Hindi naman ikaw ang dahilan kung bakit wala na sila, eh," anito sa mapait na tono. Agad-agad ay lumambong na naman ang mukha nito. Kung bakit kasi doon pa siya nito dinala. Magpapaalala pala ang lugar na 'yon ng mga kasawian sa buhay ng pamilya nito.

Biglang na-curious si Savannah. "May hindi ba magandang nangyari sa mga ninuno mo? Kung hindi mo mamasamain ang pagtatnong ko?" aniya kay Xav. Hindi niya maunawaan kung bakit bigla na lang naging pormal ang tono ng pananalita niya.

Nagpakawala ng malalim na hininga si Xav. Napatingin naman sa unahan si Savannah. Sa pagkagulat niya, mula sa kinatatayuan nila ay tila may ibayo pang sulok ang yungib. At kung hindi siya dinadaya ng kanyang paningin ay may nakikita siyang kumikinang sa malayo mula sa kinatatayuan nila.

Wolf MountainWhere stories live. Discover now