Prologue

123 115 19
                                    

Savannah

NAGSISIMULA na ang pagsunog ng mga alay na hayop sa Dakilang Maylikha ng mga werewolf. Unti-unti na ring nababalot ng amoy nang nasusunog na karne ang paligid ng Promontorio, isang pook alayan sa Exilium. Exilium was a place of exile. Sa madaling sabi, lugar iyon ng mga tulisan, outcast at lahat ng uri ng werewolf na kriminal at ipinatapon. Sa pagkakaalam ni Savannah, nasa bandang hangganan na 'yon ng mundo ng mga werewolf—ang Lycantra. Bahagi na iyon ng boundary na naghihiwalay sa mundo ng mga tao (Homo-sapiens) at sa mundo ng mga lycan (Werewolf).

Nang magapi ng mga Yrean, ang kaalitan nilang wolf pack ang mga Equillian, ang wolf pack na kinabibilangan ni Savannah, pinalad siyang makaligtas. Napilitan siyang maging bayarang sundalo ng isang malaking wolf pack kung saan siya nakapagtago para mabuhay. Pero nang matapos ang lahat ng laban at wala na siya sa serbisyo ay wala na rin siyang mapupuntahan. Wala kasing pack na tumatanggap ng isang lobo na hindi isinilang ng alinman sa mga kasapi ng tribo. Naisin niya mang makapagtrabaho sa mga sibilisadong lungsod ng Icario, ang bansa ng mga ice wolves, hindi siya dokumentado kaya hindi siya maaaring pumasok sa lungsod. Her pack had long thrived in the outskirts called Equllius. They are wild and uncivilized werewolves. Mapanganib ang mabuhay na wala sa pack kaya siya nagtungo sa Exilium. Anumang oras ay maaari siyang paslangin ng mga mandirigma ng isang pack dahil ang tulad niyang lagalag ay maaaring banta. Sa pagkakaalam niya, sari-saring outcast ang mga ipinatapon sa Exilium at walang organisadong pack kaya't may mas tsansa siyang mabuhay roon. 

Metamorphosis. 'Yon ang dahilan kung bakit nagkatipon ang mga werewolf sa pook alayan. Sa normal na pagkakataon ay nako-control ng isang normal na werewolf ang pagkakatawang Homo Sapiens (ang anyo na tulad nang sa mga tao) at ang pagkakatawang Lycan (ang anyong lobo). Ngunit sa tuwing sasapit ang ika-labin-isa ng huling buwan ng taon, sa pagpatak ng alas-dose ng gabi ay nababalot ng kadiliman ang buong Lycantra. Lahat ay kusang nagiging lobo. Hindi iyon nasusupil ninuman. Kaya ang ika-labing-isa ng huling buwan ng taon ay itinuturing na banal na gabi. Lahat ay kailangang mag-alay ng hayop sa Dakilang Maylikha. 

Taimtim na nagdarasal ang mga werewolf na nasa paligid ni Savannah. Siya naman ay napapasulyap sa itim niyang trench coat. Kanina pa kasi siya tapos magdasal at hinihintay niya na lang na mabasbasan ang sarili niyang alay upang maialay ito—isang matabang itim na tupa. 

"Be sanctified that you may be fit as a sacrificial offering to the Supreme Ruler of Lycantra..." narinig ni Savanna na usal ng ministro. Sinasabuyan rin nito nang mabangong likido ang karay-karay niyang itim na tupa. Ikinagulat iyon ng hayop kaya pumiksi ito. Hindi mahigpit ang pagkakahawak niya sa lubid. Mabilis na nakawala ang tupa.

Gano'n na lang ang pagkagulantang ni Savannah. Gano'n din ang ministro at ang mga werewolf na katabi niya.

Ah, black sheep, she silently ranted. The name had it. Alam niyang suwail talaga ang mga itim na tupa. But she's in the middle of nowhere. And she almost had nothing but her clothes on. Tanging itim na tupa ang nahuli niya kanina sa matarik na kabundukan upang ialay sa Dakilang Maylikha.

Maliksing kumilos si Savannah. Kailangan niyang sundan at muling hulihin ang itim na tupa. Pero bago pa man siya makagawa ng ilang hakbang ay may muli nang nakahuli sa tupa.

"'You better hold on to it tight," anito, walang ekspresyon. Savannah's heart raced, not because of the man's tall and imposing stature. Not even because of the bewitching mixture of coldness and huskiness in his voice. No, not really. And much that it's not his masculine pointy nose, beautiful in a well-proportioned face. Surely, it's not his thick eye brows and definitely not his lips, too red for a werewolf. It's not his broad shoulders either. May kung ano lang sa dating nito na para bang napunta ito do'n hindi dahil ipinatapon ito. Parang may sinadya ito sa lugar na 'yon. At 'yon ang dahilan kung bakit sumasal ang kanyang dibdib. "And don't dare come too close to the fire."

Wolf MountainМесто, где живут истории. Откройте их для себя