Chapter 5

67 100 4
                                    

Savannah

A long time ago...

WHEN September comes, the cold lake that separated the village where Savannah lived and the town of the Equillian blue-blood wolves—Zsiriuh, turns into ice. Mula sa pagiging boundary ng mga payak na village patungong Zsiriuh, ang nagyelong lawa ay nagmumukhang malapad na playground. Gano'n pa man, bawal pa rin magtungo roon. Maaaring paslangin ng mga tagabantay ang 'di awtorisadong magtatangkang pumunta sa lugar. Alam ng batang si Savannah ang batas na iyon. Kaya mula sa 'di kalayuan ay hanggang tingin lamang siya sa tila malapad na kapatagan kung saan kay sarap sanang maglupasay at maglaro. Mukhang sagana rin sa mga pagkaing hayop ang kasukalan sa kabilang dulo. Pero hanggang tanaw lamang siya.

"Anak, bakit madalas kang lumagi dito sa tuwing natutuyo ang lawa?" tanong kay Savannah ng amang si Romano. Papauwi na sila mula sa pamilihan. Ibinenta nila ang ilang alagang usa upang makabili ng pangangailangan sa Homo-sapiens nilang kaanyuan. Nakasanayan na nila ang Homo-sapiens na kaanyuan sa araw-araw na pamumuhay. Tulad ng karamihan sa mga Equillians. Nagme-metamorphose lamang sila sa pagiging werewolf kapag may panganib at sa gabi ng Metamorphosis.

"Hindi ba talaga maaari kahit manguha lamang ng mga lichen sa kabilang dulo ng natuyong lawa ama? Ubos na rin kasi ang mga halaman na pwedeng kainin ng mga usa sa pinapastulan natin," ungot ng batang si Savannah. Nakakapagod magpastol sa mga lugar na 'di naman mainam na pastulan. Hindi niya rin maunawaan kung bakit ipinagdadamot ang mga halaman sa kabilang dulo ng lawa gayong wala namang nangunguha no'n.

"Aba eh, sumunod ka na lamang, bata ka," anang kanyang ama. Ginulo nito ang kanyang buhok. "Isang senyales ng hindi paggalang sa lahi ng mg Alpha ang paglabag sa batas. Nais mo bang maturingang lapastangan ang ating pamilya? Malaki ang nagawa ng mga pinunong Alpha upang proteksiyunan ang ating tribu. Pinanatili rin nila ang kaayusan sa Equillius. Nararapat lamang na igalang natin ang batas."

"Nauunawaan ko, Ama." Hindi man kumbinsido ay napatango na lamang si Savannah. Ang pinakahuling nanaisin niya ay mapahiya ang kanyang mga magulang sa lipunan.

"Mabuti kung gano'n. Bilisan na natin at hinihintay na tayo ng iyong ina. Lagi mo lang tatandaan, huwag na huwag kang magpa-pastol sa kabilang dulo nang natuyong lawa. Huwag na hu—"

Natigil sa pagsasalita ang ama ni Savannah nang makarinig sila ng malalakas na mga yabag. Sabay silang napalingon sa kanilang likuran. May isang napakalaking oso ang mabilis na tumatakbo sa direksiyon nila. Humanda silang mag-ama upang magkatawang lycan. Pero bago pa makapag-metamorphose sa katawang lycan ay natigil sila ng kanyang ama. Bigla na lamang tinamaan ng sibat ang malaking oso. Unti-unti itong tumimbuwang sa yelo. Sa pinagmulan ng sibat ay nakita ni Savannah ang tila parada ng mga lalaking werewolves.

Savannah couldn't help but be amazed by the males' stances. They look dominant. They march their way through the snow with such distinguished bearing. Whatever that was, it made them look like a league of Alphas taking their strolls from their mighty thrones.

"Mga Alpha," mariing bulong ng kanyang ama. Hindi malaman ni Savannah kung nagkamali lamang siya ng dinig. Pero kasunod no'n ay ang pagyukod ng kanyang ama. Tanda iyon ng paggalang sa mga nakakataas sa lipunan. Napasunod na lamang siya sa ginawa ng ama.

Pitong lalaking lobo ang ngayo'y nakalinya sa harap ng nakabulagtang oso. At sa harap na rin ng mga nagbibigay pugay—sila ng kanyang ama. Napakakisig ng mga ito lalo na ang anim na pawang matatangkad at brusko ang pangangatawan. Anim dahil ang isa sa mga ito ay batang kasing-edad niya lamang. Pero ang kamusmusang iyon ay nangangako ng kakaibang kisig. Nagsusumigaw. Na sa hustong gulang ay 'di hamak na higit pa ang magiging angas ng anyo nito sa alinman sa anim. Siyang tunay. Nararamdaman iyon ni Savannah.

Wolf MountainWhere stories live. Discover now