Chapter 11

57 97 4
                                    

Savannah

TULALANG nakatitig si Savannah sa inuulanang hilera ng mga kabundukan. Tila walang katapusan ang mga hilerang 'yon. Panaka-naka siyang sumisipsip ng kape sa basong nasa mesa habang nasa café ng mismong library ng Mountain Ranges University. Nang maipatayo ang bagong library ay naging eksklusibong library na para sa Law school at medicine ang dating library. Mayamaya pa'y tuluyan nang nalihis ang kanyang atensiyon mula sa binabasang chapter sa aklat kung saan nakalahad ang maingat na proseso ng pagtutuli. Kailangan niya iyong matutunan. Sa darating na summer ay sasalang na siya sa pagtutuli sa isang medical mission.

Napako na ang tingin ni Savannah sa kagubatan. Mula sa café ay natatanaw ang partikular na sulok ng kagubatan kung saan nagbabago ang dimension, mula roon ay matatagpuan ang daan patungong Lycantra.

Humigop si Savannah ng kape. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. At sa kauna-unahang pagkakataon magmula ng mailibing si Crypton ay may naramdaman siyang galak sa kanyang puso. Hindi pa rin siya makapaniwalang isa na siyang ganap na apprentice ng Ordo Rhaegarium. Ang buong akala niya ay katapusan na ng lahat sa kanya nang mamatay si Crypton. Pero hindi pala. She never knew Crypton had that much fondness towards her. Nakasaad sa will nito na karapat-dapat raw siyang kandidato na pumalit dito kung sakaling may mangyari dito. Na 'pag dumating ang araw na 'yon, dapat isa siya sa mga apprentice na sasailalim sa pagsubok para sa pwesto ni Crypton. Tila isang cliff hanger na ang buhay meron ang mga sugo ng order. Kaya nga may nakahanda ng last will and testament ang mga sugo.

Masaya at masarap sa pakiramdam na maging isang ganap na apprentice. Pakiramdam ni Savannah ay nagkakaroon ng kabuluhan ang lahat ng kakayahan meron siya. Nagbibigay iyon ng sense of independence sa kanya. Pakiramdam niya ay kaisa siya isang napakalaking hangarin. Kinakabahan nga lang siyang isipin kung ano nga ba ang totoong ordeal. Ano nga ba 'yong kailangan niyang mapagtagumpayan sa tunay na pagsubok upang maging isang ganap na sugo ng order? Hanggang ngayon ay hinihintay pa iyon ni Savannah at ng ibang kandidato.

Habang patuloy na nakatingin sa kabundukan, hindi maiwasan ni Savannah na sumagi si Matthew sa isipan niya. Mga isang buwan na siyang nakakabalik sa Lupa mula sa Lycantra. Gano'n na lang ang kanyang pag-aalala gayong hanggang sa puntong 'yon ay hindi pa rin ito nakakabalik. Nasa'n na kaya ito? May masama kayang nangyari rito? Sa higit isang buwan niyang pamamalagi sa university, nalaman niyang marami pala ang nagkakandarapa dito. Mukhang deserve rin naman nito ang lahat ng atensiyong 'yon. Higit kasi sa mga magagandang katangiang pisikal ay magaling ito sa academics. Kung kaya naman gano'n na lang ang kanyang pagtatakang hindi pa ito nakakabalik sa university. Malamang hindi ito ang tipo ng estudyante na mawawala ng gano'n kahaba kung hindi sa mga desperadong rason. Malaki rin ang posibilidad na hindi na ito tatanggapin dahil sa dami ng absesnces.

Humihigop si Savannah ng kape sa baso nang may magsalita mula sa kanyang likuran, "thinking about me?"

Exactly. Mabuti na lamang at hindi naisantinig ni Savannah ang agad na pumasok sa isip niya pagkarinig sa boses. Muntik na niya iyong maibulalas gayong wala naman sa kamalayan niya ang isiping totoo ang narinig niya. Hindi naman siguro ito bigla na lang susulpot sa library ngayon pagkatapos ng halos isang buwang pagkawala, 'di ba?

Nakatikwas ang kilay na lumingon si Savannah sa likuran niya. At doon, tulad ng swabeng boses na narinig niya ay bumungad sa kanya ang swabeng postura ng isang gwapong lalaki—si Matthew. Suddenly, the whole place and the wide expanse of mountain ranges shrunk. This man really seemed to possess an ability of making things around him feel small and overpowered. Bigla nga lang siyang nag-alala nang mapansing may benda ito sa mukha.

"Not exactly," tanggi ni Savannah sa sinabi ni Matthew. Pumulot pa siya ng cookie mula sa platito at isinawsaw sa kape para panindigan ang pagtanggi niya. Nakaramdam kasi siya ng pag-iinit ng magkabilang pisngi niya. Hindi naman siguro gano'n kaasyumero ang lalaki para huwag nitong isipin na dahil iyon sa mainit na kape.

Wolf MountainWhere stories live. Discover now