Nang magapi ng kaalitang wolf pack ang wolf pack na kinabibilangan ni Savannah, pinalad siyang makaligtas. Napilitan siyang magtungo sa Exilium-lugar sa Lycantra kung saan ipinapatapon ang mga kriminal at mga outcast. Sari-saring outcast ang mga naroon at walang organisadong pack na maaaring pumatay sa kanya kaya't mas may tsansa siyang mabuhay roon. But Exilium also proved to be inhospitable. Muli ay natagpuan na naman ni Savannah ang sarili sa banyagang mundong ni sa hinagap ay hindi niya inakalang mararating niya--ang mundo ng mga tao. There, she met Matthew. Tinatakasan nito ang kapalarang maging Alpha ng isang makapangyarihang wolf pack sa Lycantra. As she knows him more, she discovered that there was no safe place for her in the world.