"Ang iyong kuya oh!" Ako ay ngumuso upan ituro sa kaniya kung saan naroroon ang kaniyang kapatid. Napatitig na muna siya sa aking labi bago tumingin sa kingagawian ng kaniyang kapatid.

"Señor Leonardo!" Bati sa kaniya ng binibining kasama ni Gabrielo. Hindi ito tama! Ako ang nililigawan ni Gabrielo ngunit ngayon mayroon siyang kasamang binibini. Napairap tuloy ako.

"Señorita Alecia," bati ni Señor Leonardo at tumayo itinapat niya ang kaniyang sumbrero sa kaniyang dibdib at yumuko nang bahagya. "Ako'y nagagalak na makita kang muli."

Ang aming lamesa ay pang-apatan kung kaya't dito na rin nakiupo ang binibining si Artenia nang hindi humihingi ng pahintulot. Umupo ito sa aking kanan. Wala naman nang nagawa si Gabrielo sapagkat umupo na ang kaniyang binibini sa aming lamesa. Naupo na lamang siya sa aking kaliwa. Si Señor Leonardo naman ay nasa tapat ko.

"Ako rin Señor Leonardo, nagagalak akong makita kang muli." Hinawakan niya ang kaniyang saya at bahagya siyang yumuko. Bumaling naman siya sa akin. "At sino naman itong masuwerteng binibini?" Nakangiting tanong niya.

Akmang sasagot na sana ako ngunit inunahan ako ni señor Leonardo. "Naku, hindi. Si Binibining Clara ay aking kaibigan lamang. Siya ay matalik na kaibigan rin ni Hermosa. Hindi ba, Gabrielo?"

Tila nanunusok naman ang titig sa akin ni Gabrielo. Tinaasan ko siya ng kilay sapagkat mayroon din siyang binibining kasama. Inaakala kong matitinag siya sa pagtaas ko ng kilay ngunit ako'y nagkamali dahil ako ang nag-iwas ng tingin. Hindi ko kinakaya ag kaniyang nanunusok na titig.

"Nagagalak akong makilala ka, Binibining Clara," nakangiting bati niya. Ako naman ay hindi. Mabait naman talaga akong tao sa kapwa, kaya lamang ay naiinis ako sa kaniya sa hindi malamang dahilan. "Hindi ba't sa pagkakaibigan nagsisimula ang pagmamahalan?"

Napanganga ako sa kaniyang sinabi. Ngayon ako napangiting tuluyan sa kaniya. Nagustugan ko na siya bilang tao.

"Por favor, Señorita. Kaibigan ko lang talaga si Binibining Clara," maaliwalas na ngumiti sa akin si Señor Leonardo. "Sa katunayan ay para ko na rin siyang kapatid. Matalik siyang kaibigan ng aking kapatid, kung kaya't kapatid na rin ang turing ko sa kaniya."

Ang maliit na pag-asang nabubuo sa akin para sa amin ni Señor Leonardo ay tila naglaho na rin. A-ano raw? Kapatid? Kapatid ang turing niya sa akin? Kanina lamang ay kaibigan ngayon ay kapatid na.

Kapatid pala ah? At kailan pa siya naging anak ng aking mga magulang? O ako, kailan ko sila naging kapatid?

Ang labo naman niya kausap at kay hirap intindihin ngunit isa lamang ang aking natitiyak. Hindi niya ako kayang mahalin bilang isang binibini na kaniyang kasintahan.

-

"Bakit kayo magkasama ni Leonardo?" Tanong sa akin ni Gabrielo. Kami ngayon ay nasa aming mansyon na.

Kakauwi ko pa lamang sa aming mansyon ay nagpupumilit na agad siyang pumasok dito. Kilala naman siya ng aming mga guardia personal kung kaya't pinapasok na siya. Sino nga ba ang hindi makakakilala sa heneral?

"Ano't nangingialam ka?" Nanghahamong sabi ko.

"Dahil ako ay iyong manliligaw." Mahina ang kaniyang boses ngunit mariin ang pagkakasabi niya. "Ako ay binigyan mo na ng pakakataon tapos ngayon malalaman kong kumakain kayo sa labas ni Leonardo? Ako ba ay pinaglalaruan mo?"

Nanlaki ang aking mga mga mata dahil sa kaniyang sinabi. Ako pa talaga ha? Kumunot ang aking noo at siya'y aking dinuro. Sino kaya sa amin ang may kasamang ibang binibini kahit na may nililigawan na.

Carpe DiemWhere stories live. Discover now