Chapter 34

728 40 0
                                    


Sobrang kinakabahan ako sa plano ni Basty, pero sya... sobrang sigurado na sya sa plano nya. He even wants to meet our parents tonight! 


Teka, handa na ba 'ko? 


I mean.. gusto ko naman talaga sya pakasalan. That's one of my dreams na akala ko hinding hindi magkakatotoo dahil parati kaming nagiging complicated. Palagi kaming nagkakahiwalay. Palagi kaming napapaglayo ng tadhana. 


Pagtapos namin sa tent kanina, sinabi nya talaga na pakakasalan nya 'ko. Tinotoo nya na ikakasal kami. Agad nyang tinawagan si Tita Sabine. Sinabing magmeet daw kami mamayang gabi. 


Sinabihan nya rin ako na sabihan ang mga magulang ko. Gusto ko rin naman gawin iyon kaso kinakabahan talaga ako. Hindi pa nga namin naaayos ang problema namin pero gusto ko na talaga sabihin sakanila na si Basty ang mahal ko.


Nasa kotse kami ngayon, we're on our way to Basty's condo. Ang sabi nya, magpapabili nalang sya sa sekretarya nya ng damit para saakin.


I'm already holding my phone, trying to dial Mommy's number. Nanginginig ang mga kamay ko kaya hindi ko pa nada-dial ang numero nila.


"Ava.. I'm sorry," saad ni Basty nang itinabi ang sasakyan sa gilid. 


Agad akong napatingin sakanya at ibinaba ang cellphone ko.


"What?" Kumunot ang noo ko.


"I'm pressuring you, aren't I?" His look pierced through me. 


Umiling naman ako kaagad. No, really. Nanginginig ang kamay ko dahil iniisip ko kung handa na ba ako kausapin sina Mommy.


"No, Basty. You're not. Gusto na rin kitang pakasalan. It's just that.. hindi ko alam kung handa na ba 'ko kausapin sila Mommy.." Yumuko ako ng bahagya. 


Lumunok sya at tumingin saakin.


"Ava, whatever happens, I'm always here beside you, okay? And if you're not ready to talk to them about your problem.. it's okay," He said softly and held my hand. 


I sighed first before facing him. Hinawakan ko pabalik ang mga kamay nya.


"But I.. want to introduce you to them. Para makilala na nila kung sino talaga yung lalaking mahal ko.." I said softly. 


"So what do you want to do?" He asked softly.


I sighed. "I want you to meet my parents. At aayusin ko na rin ang problema namin dahil makikilala ka na nila," 


He smiled and leaned towards me to give me a kiss. 


"I love you so much, Ava," He said after the kiss. 


"I love you too," sagot ko.

Unexpected Mistake (Mistake Series #1)Where stories live. Discover now