Prologue

2.7K 29 0
                                    


Here we go again. I sighed. Magkikita kami ngayon ng mga kaibigan ko. High school friends. Finally. It's been what? 5 years since I last saw them?

"Ava!!! Omg sobrang excited na kong makita ka!!!" It's Aliyah on the phone. Excited, huh? Napangisi ako.

Eh ako? Excited ba 'kong makita sila? Of course. I miss them so much. Eh sya? Handa na ba 'ko ulit makita sya? Umiling nalang ako sa iniisip.

"Me too," I bit my lower lip. "Congrats nga pala sainyo ni Zack ha!" Oh well, ang dami ko nang na-miss! My best friend, Aliyah and her long time boyfriend, Zack are now engaged! Isa sa dahilan kung bakit ako umuwi ng Pilipinas.

"Thank you!" She laughed on the other line. "I'm expecting you mamaya ha! Kailangan mong pumunta! All of us will be there!"

I sighed. "Oo naman. Isa kaya kayo ni Zack kung bakit ako umuwi!" I chuckled. "Pero baka hindi rin ako mag tagal ha? Aasikasuhin ko pa kasi yung business na iniwan sakin ni Mommy,"

"Hmm, 'yon nga bang dahilan kung bakit sasaglit ka lang?" Her tone changed.

Aaminin ko, guilty ako sa nangyari noon, but she wouldn't bring that up naman diba? I mean, I've already moved on. Ewan ko nalang sakanya. But I think he is, though. I've seen their pictures together.

"Oo naman, Aliyah! Oh sige na, mag-aayos pa 'ko! See you later,"

"Oo naman sige, yes, see you, Avaleigh! Miss you!"

"Miss you too! Sige na," Then I ended the call.

Nag-ayos muna ako ng gamit ko. I unpacked things. From U.S. kasi dumiretso ako kaagad sa Cebu to meet some people about our business tapos saka lang ako dumiretso dito sa Manila.

Habang nag-aayos ako ng gamit, tumunog ang cellphone ko.

Mavi

"Hello?"

"Ava, where are you?" His tone seems serious. Galit nanaman ba 'to?

"Manila, bakit?" Kumunot ang noo ko. Ni-loud speaker ko nalang sya para makapag ayos ako ng gamit.

"Haven't I told you to wait for me at the airport? Sana nasundo kita," His tone is calm already.

"Sorry, Mavi, kaya ko naman eh, tsaka baka may ginagawa ka at that time,"

"I told you hindi ako busy this week. Nauna lang akong umuwi ng Pinas, ganyan ka na," Aww at this guy. Tampo nanaman ba 'to?

"Huwag ka nang mag tampo, Mavs!" I chuckled. "Ganito nalang, magme-meet kami nila Aliyah mamaya and hindi mo na 'ko pwede ihatid dahil nasabihan ko na driver namin so, I'll text you nalang kapag tapos na kami? I told her naman na di ako magtatagal,"

I heard him sigh. "Sure, text me, okay?"

"Yes, Mavi," I said with finality.

"I got to go, nasa biyahe ako. See you later, kay?"

"Okay, bye!" Then I ended the call.

Madali lang akong nag-unpack at pagkatapos nun, naligo na ko at nagbihis. Nagsuot lang ako ng black strapped tube top at high waisted maong pants. Simple make up lang ang ginawa ko dahil pagod ako at tinatamad ako.

Ang usapan kasi 4pm ang kitaan somewhere in Makati, hindi ko alam yung place pero buti binigay sakin ni Aliyah yung address. It's already 3:30 when I decided to go. Sumakay na ko sa sasakyan ko at pumunta na doon sa address na sinabi ni Aliyah.

Unexpected Mistake (Mistake Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant