Chapter 01

1.3K 22 0
                                    


"Saglit nga lang kasi 'to, Aliyah!" Binawi ko sakanya ang kamay ko.

Ang kulit naman kasi eh! Sinabi nang kailangan kong tapusin yung project ko for science! Palibhasa kasi silang magjowa, tapos na kaya aayain nanaman akong kumain!

"Kaya nga sumama ka na samin para tulungan ka namin dyan!" Pinandilatan nya 'ko ng mata.

"Oo, tapos magmumukha nanaman akong third wheel?! Ganon?" Umirap ako sakanya.

"Hindi yan!" Ngumisi sya. "Andon yung crush mo!" She played with her eyebrows.

Kumunot ang noo ko. "Mavi?"

"Tangeks! Si Basty!" She squealed at hinampas ako.

Humalukipkip ako at tinaasan sya ng kilay. "For your infromation, hindi ko na crush si Basty!"

"Ay ulol! Wag ako, Avaleigh!" Tumaas din kilay nya.

Hoy totoo 'yon! Di ko na crush yang Sebastian Levi Cortez na 'yan no! Nakaka turn off kaya sya! Sa lahat ng nagkakacrush sakanya binabalewala nya! Nakita ko nga nung isang beses, may nagbigay sakanya ng letter, tinapon nya lang sa basurahan! Tapos nung may nagbigay sakanya ng chocolates, binigay nya kina Kiel! Ang sama kaya ng ugali nun! Tapos ang hilig pa 'kong pagtripan!

"Hindi ko na sya crush! Na-turn off ako!" Sagot ko.

"Ay sige patunayan mo yan ha! Tara na!" Hinila nya ko patungo sa canteen kung nasaan sina Zack, Kiel, Ian at Basty. Muntik pa tuloy mahulog 'tong illustration na hawak ko!

Napatingin ako bigla kay Basty na nakatuon ang atensyon sa cellphone nya. Nakakunot pa ang noo! Habang sina Kiel, Ian at Zack naguusap. Napaka tamad talaga makipagusap nung lalaking yun!

"Guys! Dito muna kami ni Ava ha! Tutulungan ko sya sa project nya sa science!" She smiled sweetly at them.

"Hi love," she leaned over to kiss Zack.

Napa-irap nalang ako. Couples nga naman!

Umupo ako sa tapat ni Basty dahil sya ang katabi ni Zack na katapat si Aliyah. Saka doon din ako pinaupo ni Aliyah!

"Hindi mo pa tapos 'yan?" Nakakunot ang noo ni Ian.

Obviously?!

"Nope," Sagot ko nalang at naglabas ng pencils.

"Ay si Basty tapos na dyan! Galing nga nito mag drawing eh!" Puri ni Kiel.

"Ayos! Ayun naman pala eh! Gutom na kasi ako kaya di ko sya matutulungan, Basty, patulungan naman si Ava oh?" Saad ni Aliyah.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Aliyah. Anak ka ng! Dinala dala ako dito para daw tulungan ako sa project na 'to tapos ipapasa pala ako sa iba?! Aba! Bastos ka girl?

"Nako, huwag na! Kaya ko na!" Akmang tatayo na sana ako nang hawakan ni Basty ang illustration board ko na nasa lamesa.

"Stop,"

Napatingin kaming lahat sakanya dahil sa sinabi nya.

"Tutulungan mo si Ava?" Masayang tinig ni Aliyah.

"Yeah," he lazily drawled. "Palit tayo pwesto,"

Tumayo sya at lumapit sa pwesto ni Aliyah na katabi ko! Tangina totoo ba 'to? Tutulungan ako ni Sebastian? Oo magaling to mag drawing pero hindi ba nangttrip 'to?!

Umalis naman si Aliyah at si Zack para bumili ng pagkain, sumama na din sina Kiel to give us privacy daw! Mga ugok!

Paupo na sana si Basty sa tabi ko nang itutok ko sakanya ang pinakamatulis kong lapis.

Unexpected Mistake (Mistake Series #1)Where stories live. Discover now