Chapter 26

578 31 0
                                    




"Boss Ava!"


Hindi ako kaagad nakatingin kay Kiel dahil sinamaan ko muna ang papalayong bulto ni Basty. How dare he?! Bakit ba ang rude nya sa'kin?! Did I do something wrong to him?


"Uy," saad ni Kiel nang makalapit sya saakin.


Tumingin ako sakanya at ngumiti.


"Bakit?" I asked.


"Lunch out tayo! Libre mo 'ko 'di ba?" He wiggled his brows.


Ngayon pa talaga sya hihirit ng libre kung kelan ako wala sa mood manglibre?! Bwisit na Basty kasi 'yan e!


I'm just asking if you have eaten. I'm not asking you out


I'm not asking you to! Ugh, as if namang papayag ako na lumabas tayong dalawa! I would rather go out with Kiel or Ian or Simon but you!


I sighed before nodding to Kiel.


"Sige, si Ian ba sasama?" Tanong ko.


"Hindi 'yon! May meeting 'yon ngayong lunch, e!" Tumango tango pa si Kiel na parang siguradong sigurado sya na hindi talaga sasama si Ian.


O baka ayaw nya lang pasamahin si Ian? Baka gusto nya sya lang ang ilibre ko?


Tumango nalang ako sakanya at pagtapos nun ay sya ang nagsabi kung saan kakain dahil wala naman akong alam dito. Sinundan ko nalang ang kotse nya patungo roon.


When we got there, si Kiel na ang pumili ng uupuan namin at nagtaka ako kung bakit pang-tatluhan ang kinuha nyang lamesa.


"Is someone joining us?" Kumunot ang noo ko kay Kiel.


"Ah, wala, baka lang kasi may makita tayong kakilala natin," He said and sat down the chair.


Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi nya. What? Kakilala? Sino? Wala nga akong kakilala rito.


"I don't know anyone here," I frowned.


"Ako meron! Pero syempre, 'wag kang magalala, ako lang ang ililibre mo! Baka nga, pati ikaw ilibre nun, e!" He chuckled before reading the menu.


Sobrang weird talaga ni Kiel! Hindi na 'ko magugulat kung ano ano pang sabihin nito! Ang concern ko lang ay baka pati ako mahawa sa ka-weird-uhan nya!


Binasa ko nalang ang menu at nang makapili, I ordered an asparagus soup and an Aglio e Olio. Si Kiel naman, puro meat ang inorder at kanin. Parang pang tatlo tao ang inorder nya! But it's okay, siguro pagod lang sya dahil kaninang umaga pa sya nagtatrabaho.


"So kamusta ka?" Kiel smiled at me.


"Okay naman. Ikaw? 'Di ba si Basty lang ang nakaassign sa bahay namin? Bakit nandoon kayo ni Ian kanina?" I asked.


Kiel dramatically held his chest na para bang nasasaktan sya.


"Grabe ka naman, Ava! Ayaw mo ba kaming tumulong kay boss Basty at gusto mong sya lang ang magtayo ng bahay nyo?" He sighed and shook his head.


I scoffed and slapped his arm. Habang sya naman ay natawa lang.


"Joke lang! Kasama kasi ni Basty kanina si Liane at yung Mommy ni Liane, nagbreakfast silang tatlo, kaya kami muna ni Ian ang tumingin," Tumango tango pa si Kiel.


Nanliit ang mata ko ng kaunti dahil doon. So, kaya sya nalate sa trabaho nya dahil nakipag breakfast pa sya? Where is the professionalism, Engineer Cavallero? You could've said no! Pero naalala ko, para kay Liane nga pala gagawin nya lahat.


Unexpected Mistake (Mistake Series #1)Where stories live. Discover now