Chapter 02

889 19 0
                                    


Nasa tapat na 'ko ngayon ng school, nagdadalawang isip kung papasok ba o hindi. I mean, papasok naman talaga ako pero kinakabahan dahil sa sinabi ni Basty na aantayin nya daw ako! Ano ba kasing pakulo ng lalaking yun?

"Ava?!" Napalingon ako sa tumawag sakin.

"Bianca," I tried to smile.

Kumunot ang noo nya at tila ba parang ineexamine ako!

"Okay ka lang?" She asked me worriedly.

Ngumiti naman ako sakanya at tumango. "Oo naman, bakit naman hindi?"

Seems like she's not taking my answer because her brows is still furrowed.

"Sure ka?" She tilted her head.

"Oo," I smiled again.

"Bakit hindi ka pa pumapasok sa loob? Are you waiting for someone?" Her eyebrows arched.

I stiffened at what she said. Pucha, baka mabuking pa 'ko nito!

"Ha? A-ano, wala! Tara pasok na tayo!" Saad ko at hinawakan sya sa braso at hinila para makapasok na sa loob. Hindi na naman sya nagtanong pa kaya dire-diretso kami papasok until we saw Liane at Simon talking sa gilid. Hindi nila kami napansin dahil mukhang seryoso ang pinaguusapan at maraming students.

"Hmm, tidnan mo! Magkasama nanaman yung dalawang 'yun!" Bianca shook her head. "Tsk, alam mo di ko na din alam kay Liane eh! Binreak na nga sya hinahabol nya pa rin!"

Ganun ba kapag mahal mo ng sobra? Kahit wala na hahabulin mo pa rin sya kahit magmukha kang tanga?

"Eh di 'ba nga, hindi sinabi ni Simon yung rason kung bakit sya nakipag break? Yung biglaang break ba!"

"Tanga," Binatukan nya ko. "Malamang sinabi nya yung rason kay Liane pero kay Liane lang! Ayaw nya lang sabihin satin pero okay lang kasi problema na nila yun mag ex! Eh ikaw? Kapag nakipagbreak sayo? Hahabulin mo?" Tumaas ang kilay nya.

Umiling agad ako ng mabilis. "Hindi ah! Desperada is not a good look on my face! Ayoko ding magpaka tanga no! Kapag ex ka na, ekis ka na!" Umirap ako.

"Eh pano kapag ikaw yung hinabol? Ekis pa rin?"

Napaisip ako dun ah! Though, wala pa naman akong ex! Paano nga no, kapag ako yung hinabol? Pagbibigyan ko ba? Magiging marupok ba 'ko?

"Depende," I sighed. "Kapag nakita kong he changed for the good at na-prove nya na yung sarili nya sakin na worth it sya, edi... babalikan ko," I shrugged.

"Eh, marupok!" Ngumisi sya.

Ako naman ang nambatok sakanya. "Eh kapag ikaw yung hinabol?" I arched my brow.

"Wala! Nu-uh! Ekis na! Kaya nga ako nagc-crush ng marami diba? Kapag in-ex ako nung isa, edi lipat ako dun sa isa!" She smirked.

"Eh, malandi!" Ngumisi ako.

Umirap sya at pinalupot ang braso sa braso ko. "Tara na nga!"

Since madaming nakapila sa elevator, nag decide kami na mag stairs nalang. 4th floor lang naman yung classroom namin pero ang problema, mahaba ang hallways na lalakarin namin!

Nang makarating kami sa third floor, lumakad na kami sa hallway nito. Nagchi-chikahan kami ni Bianca kaya di ko namalayan na may tao palang naglalakad sa harapan ko, nagkabungguan tuloy kami.

"Ah, shit. Sorry," saad nung lalaki at pinulot ang mga gamit nyang nahulog. I was about to help him kaso hawak parin ni Bianca ang kamay ko. Nang nilingon ko sya her lips was apart.

Kumunot ang noo ko at tinignan yung lalaki. Napansin kong si Mavi pala ito! Oh my gosh yung crush ko!!

"M-Mavi," He looked up to eye me and smiled. Tumayo sya.

Unexpected Mistake (Mistake Series #1)Where stories live. Discover now