Chapter 12

524 27 0
                                    


Today is the start of our camping. Medyo inaantok pa 'ko dahil kailangan 6am nasa school na. Nasa kotse na 'ko ngayon namin. Simula noong Wednesday, si Manong na ang naghahatid saakin patungo sa school at simula rin nung gabi ng Tuesday iyak na 'ko ng iyak.

I really can't believe that Basty is just using me for him to forget Liane. What's worse is he lied to me! Doble ang sakit na nararamdaman ko. I know na dapat hindi ako umasa pero parang pinaasa nya rin ako sa mga galaw nya noong nagpapanggap kami.

Since that, my heart really sunk because of the hurt I'm feeling. Hindi 'ko kaya. Masyadong masakit. Hindi 'ko rin pa sinasabi kay Aliyah dahil ayokong maalala ang araw na 'yon. I'm trying to forget him by myself! Hindi ako tutulad sakanya na gagamit ng ibang tao!

Noong mga nakaraang araw, hindi rin kami nagpapasinan. Aliyah would just ask me kung anong problema, ang sinasagot ko nalang ay wala, o kung hindi 'yon, sinasabi kong pagod lang ako, kung hindi rin 'yon sinasabi kong masama pakiramdam ko. Kung hindi 'yon, nakakagawa naman ako ng dahilan tapos pinapaniwalaan nya naman. That's my cycle for that 3 days.

Wala kaming interaction ni Basty noong mga araw na 'yun. Puro eye contact lang. I would always be the one who looks away first whenever our eyes would meet. Nawe-weirdan nga rin saamin ang mga kaibigan namin pero ang sabi nila LQ lang daw kaya hinahayaan. Aliyah would not buy that reason. She asks me and I would just smile at her.

Those days too I saw Liane getting close to him. Akala ko ba gusto nyang kalimutan pero hinahayaan naman nyang lumapit sakanya! Meron nga isang beses, sila ang magpartner sa isa naming activity e! Nagpalit pa sila ni Maxi ng upuan para lang doon! Muntik pa 'kong mapaalis sa upuan ko!

Pagkarating ko sa school, tinanggal ko muna ang shades ko bago pumasok sa loob. Siguro sa bus ko nalang ulit susuotin. I'm wearing our camp shirt and high waisted jeans. I tucked my shirt in and wore white sneakers. Kailangan daw kasi camp shirt ang suot, kundi may violation.

Nakita ko na kaagad sina Aliyah na nakapila. Ina-assign pa ata ang seats kaya nakapila sila. Laking pasasalamat ko dahil hindi pupunta si Basty sa camping na 'to! It's for 3 days kasi! I can't be around him for 3 days! Kahit nga siguro 3 seconds, hindi ko kaya!

"Okay ka lang?" Aliyah asked when she noticed my puffy eyes.

"Yeah, kulang lang sa tulog," sagot ko.

Tumango naman sya at tumigil nang magsalita nang magtawag na papasok sa bus.

Nauna ang ibang classmates namin. Random order 'yon kaya kahit sino ang makakatabi. Sa section lang naman namin ang bus na 'to kaya ayos lang.

The next ones who were called are Maxi and Simon. Nasa medyo harapan sila. Sumunod si Bianca at Ian. They're in the adjacent seat of Maxi's.

"Teka, asan si Liane?" Kiel asked.

"Nag-CR lang, papunta na rin 'yon," sagot ni Aliyah.

Hindi na nasundan ang tanong dahil tinawag na sila Aliyah. She's seated with Zack.

After 2 pairs, tinawag kami ni Kiel.

"Mukhang magkatabi tayo, boss, ah?" Kiel smirked.

"Tsk, ano ba 'yan!" I jokingly said.

"Aray!" He dramatically placed his hand on his chest. Nagkunwaring nasaktan.

Nagtawanan kaming dalawa at pumasok na sa bus. Medyo nasa likod kami, like 7 seats bago ang likod. Ayos na rin 'yon. Umupo ako sa bintanang side. Hinayaan naman ako ni Kiel. We were adjacent sa upuan nina Aliyah.

Sumandal ako sa upuan ko at tumingin sa bintana.

"Uy, Liane!" Kiel said.

Unexpected Mistake (Mistake Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu