Chapter 30

551 23 1
                                    


Noong una, hindi ko iyon pinaniwalaan. Nagalit ako ng sobra pero gusto ko munang makausap si Basty. I want to hear his side. Ayoko nanamang mag jump to conclusions. Kapag ginagawa ko kasi iyon sinasaktan ko lang ang sarili ko.


So what I did is I called him. Ilang beses sa isang araw pero ni isang tawag, hindi nya sinagot. I also tried calling him but he does not reply. Ano bang nangyayari, Basty? Umalis lang ako, ganyan na ang nangyari? Bakit... parang sinasaktan mo nanaman ako?


Tumutulo na ang luha ko habang sinusubukan ko pa rini syang tawagan. I don't really want to believe what Liane said. Hindi sila engaged! Hindi pwede! Ako ang gusto ni Basty at hindi sya! Kaya hindi pwedeng mangyari iyon!


I sighed, tears kept on falling. Kahit anong punas ko dito, panay parin ang tulo nito. Ang sakit sakit, Basty. I'm starting to give you my all. I'm starting to love again pero bakit naman ganito? And Liane, I know she's one of my close friends but.. desperada ka na ba talaga kay Basty?!


I gave you 5 fucking years to get him! Pero bakit hindi mo kinuha? Bakit pagbalik ko saka mo lang sya aakitin?


Binaba ko na ang cellphone ko sa kama at tinakpan nalang ang mukha ko gamit ang mga palad ko. I gave up calling and texting Basty. Kanina ko pa talaga sya tinatawagan simula noong napanood ko ang interview ni Liane. 


Pina-cancel ko muna kay Cami ang lahat ng meetings dahil hindi ako makakafocus doon kung ganito ang lagay ko. Isa pa, sinuggest din iyon ni Mavi. 


Pagkatapos kasi noong meeting, agad akong hinatid ni Mavi sa hotel room ko. Umalis sya saglit para kumuha siguro ng makakain. At simula nun, iyak na 'ko ng iyak.


Agad kong pinunasan ang luha ko nang may kumatok sa pinto.


"Ava?" si Mavi.


Suminghap muna ako bago sya pagbuksan ng pinto.


"Hey.." he said. 


May hawak syang tray ng pagkain. Nilakihan ko ang pagbukas ng pinto para makapasok sya sa loob. Umupo ako sa kama pagkapasok nya.


"Eat first.. you'll feel better," he said softly. 


Umiling ako. "Wala akong gana," 


Tumingin saakin si Mavi mula sa pagaayos ng mga pagkain. Sinamaan nya 'ko ng tingin at umigting ang panga nya.


"You have to eat, Ava! Wala ka pang kinakain ngayon na araw! Ang sabi mo, kakain ka ng breakfast after ng meeting kaya kumain ka! Huwag mong idamay ang kalusugan mo dahil dyan sa lalaking 'yan!" galit nyang saad. 


Agad akong napatingin sakanya dahil sa sinabi nya. Nagulat ako. Galit ba sya dahil hindi ako kumakain? O... galit sya kay Basty?


Pumikit sya ng mariin nang mapansin ang pagkagulat ko. Umupo sya sa kama, katabi ko at hinawakan ang kamay ko.

Unexpected Mistake (Mistake Series #1)Where stories live. Discover now