Chapter 14

574 24 0
                                    


Kinagabihan, pagkatapos noong activity namin, pinakain kami ng dinner at pagkatapos noon, pinaakyat na kami sa mga kwarto namin. Bukas ng gabi pa raw kasi ang bonfire at alam ng mga teachers na pagod kami ngayong araw kaya pinagpahinga nalang kami.


Before I went to sleep, I washed myself first and did my skincare. Humiga ako at binuhay ang phone ko. I posted the picture of our bedroom view on my story and captioned it 'grateful'.


Kanina kasi noong naliligo si Maxi, nabored ako at medyo maliwanag pa nun kaya kitang kita ang forest nature sa window view namin. Sobrang ganda and I've always preferred nature over anything. Sobrang relaxing kasi.


I scrolled on my instagram and saw posts from Bianca. She secretly brought her phone earlier for us to have some pics. Natawa naman ako nang makita ang reply nina Ian.


biancaemilia: besties


iancortez: oy ang daya! bakit wala kami??!


ezekiel: bawal magdala ng phone kanina ah?? susumbong kita!


simonmiguel: unfair!



zackreyes: ang dumi naman ng mga besties :(


maaaxine: epal mga boys!


aliyahlopez: inggit lang kayo kasi wala kayo!


Natigil ako sa pagkatawa nang biglang may notification ako galing kay Basty. He replied on my story.


sebastianlevi: mas maganda yung view namin dito!


Kumunot ang noo ko bago sya replyan.


avaleigh: no! wala nang mas gaganda sa view namin no!!


After a few seconds he sent a picture of the view from their room. Nalaglag ang panga ko nang makita ang picture! Mas maganda nga ang sakanila, what the hell?! Kung saamin, puro matataas na puno lang at mga ibong lumilipad, sakanila naman, kita ang lake at kita ang reflection ng buwan doon! Mas maganda nga saamin!


Nagreply tuloy ako ng masama ang loob!


avaleigh: ok, ikaw na panalo


sebastianlevi: Hahahaha you lose! but i have a much better view than those.


Napakunot ang noo ko. He has a much better view than what he sent? I mean, ang ganda na nga noong sinend nya sa'kin!


avaleigh: baka mamaya galing sa google yun ah?


sebastianlevi: Hahaha but no. I'll show it to you sometime ;)


Nanlaki ang mata ko nang matanto kung anong ibig nyang sabihin! Agad kong pinukpok ng unan ang ulo ko dahil doon! Oh my gosh, bakit ba sobrang green ng utak ko! Feeling ko hindi naman talaga 'yun yung ibig nyang sabihin, sadyang berde lang ang utak ko!


sebastianlevi: it's not what you're thinking! greenminded ka!


Nag-init ang pisngi ko nang mabasa iyon! Nahalata nya siguro dahil ang tagal kong magreply! Nakakahiya ka, Avaleigh!


avaleigh: whatever! tulog na nga ako!


sebastianlevi: yeah, you better! baka kung ano pang maisip mo dyan!


avaleigh: you're so mean!!


sebastianlevi: Hahaha good night, ava.


My heart fluttered at that simple message of his. Hindi ko rin maintindihan sarili ko kung bakit ako ganito ka-rupok pagkadating sakanya! Ano ba 'yan! Ang unfair! Dapat sya rin!


Unexpected Mistake (Mistake Series #1)Where stories live. Discover now