Chapter 32

647 27 0
                                    


Pagtapos naming magusap ni Basty doon, bumalik na kami kaagad sa party. We wanted to be still inside the party dahil nakakahiya naman kina Aliyah. Nilibre na nga kami ng hotel room tapos tatakasan pa namin.


When we got there, nagsisiyahan ang mga tao. We even saw some dancing, tulad ng mag fiance! Nakisali na rin kami ni Basty doon, pero hindi nga lang kami sumasayaw. Kung hindi kami nakikipagusap sa mga tao, umiinom kami. 


I felt relieved about everything. Kahit sa problema ko kila Mommy. Iniisip ko na kaya kong ayusin iyon dahil naayos ko ang saamin ni Basty. Masinsinan na usapan lang ang kailangan talaga. Masaya ako para saamin ni Basty. Masaya ako na nagkaayos na kami ulit at nalaman ko na rin ang totoo.


Nanliligaw pa rin naman sya, at tingin ko... malapit ko na sya sagutin.


After all the fun part, nagpicture na kami. Hinanap nila Basty si Kiel kaso wala, hindi nila makita. 


"Tayo nalang! Hayaan nyo na yung malanding 'yun!" Saad ni Ian.


At ganoon nga ang ginawa namin, hindi na namin hinanap pa si Kiel sa photo op dahil tulad ng sabi nila Ian, baka may kasama na yun na babae. After that, nagpaalam na isa isa ang mga bisita nila. Kasama kami roon. We had a fun night. It's almost 12am. Kaya kailangan na naming magpahinga.


Hinatid ako ni Basty sa hotelroom ko. Mga dalawang kwarto pa bago ang kanya. He told me 'good night' and I closed the door after. Naligo ako muna tapos, humiga na 'ko sa kama pagkatapos ko mag skincare.


I rewound everything that happened today. It's truly a happy day. Hindi lang saamin ni Basty kundi kina Aliyah rin. Nagkaayos kami. Napagusapan namin ng maayos ang lahat. He told me that he will marry me soon... he promised. 


Lumakas naman ng tibok ang puso ko dahil doon. The thought of marrying Basty made me smile. Iniisip ko palang na magkasama kami habang buhay, masaya na 'ko. I would marry the man of my dreams. The man that captured my heart. The man my heart doesn't want to uncage. 


Nakatulugan ko na lahat ng nasa isip ko. Paggising ko 7am na. A smile appeared again when I sat down my bed. Ang saya ko.


Una kong tinignan ang phone ko. May mga nagtext saakin doon.


Aliyah:

8am. Breakfast. Don't be late kung ayaw nyo ng libre. 


Basty:

Good morning!

Unexpected Mistake (Mistake Series #1)Where stories live. Discover now