Chapter 21

523 26 0
                                    




Two months had passed after the prom. Naging busy kami dahil sa pagaaral para sa finals. The past months, hindi na rin kami masyadong nagkikita ng mga kaibigan ko dahil naging busy sila sa research nila at iba pang requirements. Ako rin naman, isama pa ang pagaaral sa finals.


Kagaya ng palagi, kasama ko si Mavi noong mga nakaraang linggo. Sabay kami nag aaral at kung wala kami sa bahay nagaaral, nasa sakanila kami. Nakasanayan na namin mag aral ng magkasama dahil baka sa Amerika, ganoon din ang maging lagay namin.


Now that I've said it, I've been thinking about what's gonna happen when we get there. Magiging maayos pa rin ba katulad ng nandito kami sa Pilipinas? I mean, we've been together this whole sem, it should be the same right?


But, I doubt that. It won't be the same because my friends aren't there.


Nandito ako ngayon sa isa sa mga bench, malapit sa gym. Kakatapos lang ng exams namin at nauna nang umuwi si Mavi dahil may lunch siya kasama ang mga magulang nya. My friends naman, I think they're still taking their exams, iba iba kasi ang schedule namin. So I'm left here alone.


I'm gonna miss my friends. That's for sure. I may be able to make friends abroad but, it will never replace my friends here.


"Ava?"


Agad akong napalingon sa likod ko kung sino iyon. I smiled when I saw my best friend.


"Aliyah,"


Kumunot ang noo nya at umupo sa tabi ko.


"What are you doing here? Tapos na exams nyo? Bilis naman!" She said.


"Oo, tapos na. Mabilis lang naman yung exams namin ngayon kasi yung mahihirap noong nakaraang dalawang araw pa. Si Zack? 'Di mo kasama?"


Umiling sya habang nakanguso.


"Nope. Sinundo ng Daddy, may pupuntahan raw sila na business meeting.." She shrugged.


Tumango naman ako ng dahan dahan. Pinagmasdan ko ang mukha ng aking kaibigan na para bang hindi sya gaanong masaya.


"Are there any problems with you both?" Kumunot ang noo ko.


Agad naman syang umiling.


"No... it's just that.. wala na kami masyadong time together.." She faked a laugh.


I stiffened when I heard that. Dahil sa sinabi nya, mukhang mahihirapan akong sabihin ang pag alis ko patungong Amerika.


"Grade 11's almost ending. Magkakaron na rin kayo ng time!" I smiled to her.


Ngumiti naman sya ng malaki at tumingin saakin.


"Yeah.. he promised to bring me sa Cebu this summer!" She squealed.


I gasped when I heard her. They're really goals, huh?


"See?" I chuckled.


"Eh, ikaw? Anong balak mong gawin this summer?" She asked.


Nawala ang ngiti ko nang tanungin nya 'ko non. I can feel my eyes heating. I have to tell her.


"I-I'm going to America.."


Her face lit up and smiled wider.


"Wow! Sana all! Pasalubong, ah!"


Parang umurong ang luha ko roon sa sinabi nya. I chuckled instead.


Unexpected Mistake (Mistake Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora