Pero wala akong nakita. Halos baliktarin ko na nga ito pero 'di ko mahanap ang I.D ko.

"Okay ka lang ba diyan?" bulong ni Marfori sa akin. "Para kang constipated kakahanap ng kung ano diyan sa bag mo."

"I think I lost my I.D and my QR code," sagot ko sa kaniya sa mahinang boses. Baka kasi marinig kami ni Mrs. Villanueva at mapagalitan pa kami. Baka sabihin niya late na nga ako may gana pa akong dumada.

"You what?!" medyo napalakas ang boses ni Marfori kaya napalingon ang mga kaklase ko sa amin. Mahina ko siyang kinurot.

Napalingon si Mrs. Villanueva sa amin dahil sa boses ni Marfori. She surveyed the room. Nakakatakot talaga si Ma'am. Para kasing mangangain siya kung makatingin.

"We are having a test right now. Kung hindi alam ng isa sa inyo diyan, lumabas na lang." Muli itong tumalikod at ipinagpatuloy ang sinusulat sa board.

Pinanlakihan ko ng mata si Marfori. She just smiles at me and do a 'peace' sign. Sinimulan ko nang sagutan ang mga question na sinusulat ni Ma'am sa board. Mamaya ko na lang poproblemahin ang tungkol sa I.D ko.

"Saan mo ba kasi winala?" Nayayamot na tanong ni Marfori. Kanina pa kasi kami pabalik-balik ng lakad sa paghahanap ng I.D ko. Yung hook kasi na naka-konekta sa I.D ko ay nasira. Hindi ko alam kung bakit.

"Ang naalala ko lang naman ay nagmadali akong tumakbo sa hallway 'tas nong paakyat na ako dito," tinuro ko ang hagdan sa harap namin. "May nakabangga akong lalaki."

"Pogi ba?" pang-aasar na tanong niya sa akin. Inirapan ko siya.

"Mag-focus ka nga." Saway ko sa kaniya.

"Kailangang kong mahanap yun before ang klase namin sa I.C.T sa Monday. Alam mo namag strict na ipinapatupad ni Sir na ang QR code ang gamitin namin para sa attendance. Saturday pa naman bukas kaya ngayon ko dapat mahanap ang I.D ko."

Tumango lang si Marfori. Patuloy kaming naghanap pero nag-bell na para sa third period namin ay hindi ko pa din nahanap ang I.D ko.

"Ready na ba kayo?" tanong ng group leader namin. Tumango ang ilan sa kasamahan niya. Nasa room sila ngayon, nagbibihis pa kasi ang iba at nag-aaply ng liptint at powder.

May performance kasi kami ngayon sa cheerdancing. Medyo kinakabahan ako kasi maraming nanonood na ibang grade level. Sa field kami magpeperform dahil mas safe doon kung sakaling may madisgrasya. Pero ipinagdarasal ko na sana ay wala.

We have difficult stunts to perform.

Tatlong grupo ang magpe-perform. Kami, sila Marfori at ang iba pa naming kaklase.

"Seleste! 'Wag mo na ngang hilahin pababa ang suot mo. Kahit anong gawin mo ganiyan talaga iyan ka-iksi." Saway sa akin ni Hanna.

"Hindi kasi ako komportable," sagot ko sa kaniya.

I am wearing a cheerleading uniform. A red crop top at white above-the-knee skirt na may lace ng pula sa dulo. Naka knee socks pa ako at white shoes. They style my hair into a two pigtail.

Ganun din ang porma at suot ng mga kagrupo ko.

"Nasa baba na raw si Sir Jim. Bumaba na din kayo para makaumpisa na." anunsyo ng classroom president namin.

"Tayo na!" Bumaba na kaming lahat.

Ramdam ko ang pambabasa ng kamay ko dahil sa kaba. Kami ang huling magpeperform. Tapos na sila Marfori dahil sila ang nakabunot ng number one. Nandoon siya sa may gilid nakaupo malapit sa mesa ni Sir Jim habang pinapaypayan ni Cloud. Sana halls!

Gusto ko sanang lumapit doon para naman may makausap at para hindi ako kabahan pero mahigpit na bilin ng leader namin na doon lang kami.

Ngayon ay nagpeperform na ang ikalawang grupo. Nakaupo sa harapan ang adviser namin sa M.A.P.E.H at may hawak na bond paper na naglalaman ng criteria.

TGG Series #01: Brought By The WavesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant