Wave 04

20 6 0
                                    

Chase

Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging busy na ako para sa papalapit na exams at hindi ko na napagtuonan ng pansin ang mga gumagambalang tanong sa isipan ko. Hindi ko na din masyadong nakikita si Nikolas sa campus. Baka naging busy din dahil sa papalapit na exam nila.

Wala din sila Mommy at Daddy sa bahay dahil may inasikaso sila abroad.

So, Marfori and I decided to study together. Halos gabi-gabi siyang nagsi-sleep over sa bahay namin para sa pagre-review.

"Mauuna siguro ako ngayon sa library." Sabi ko kay Marfori na busy pa sa pagtapos ng group project nila. May nakasabit pang ballpen sa kaniyang tenga. Tumango siya.

"Sige, susunod lang ako. Tatapusin lang namin 'to." Sambit niya ng hindi nakatingin sa akin. Focus na focus siya sa nakalatag na manila paper sa harapan niya.

Sinukbit ko na ang aking bag at naunang lumabas ng classroom. Nagsisialisan na din ang iba naming kaklase. Pinagawa kasi kami ni Prof. ng drawing ng human thorax kaya medyo matagal bago kami natapos.

Ang ibang classroom na dinadaanan ko nga ay wala nang estudyante dahil nagsiuwian na.

Sa kamakalawa na kasi ang exam namin kaya kailangan kong magsunog ng kilay. I need to study hard para hindi ako mangulelat sa ranking.

I stroll the hallway with my book, as always. Idadaan ko muna ito sa locker room bago pumunta sa library. Nakasalubong ko si Kim na pabalik na sa room namin.

"You need help with that?" Lumapit siya sa akin. Pinagpapawisan siya dahil siguro sa pagtakbo.

"Ok lang, hindi naman mabigat." Inilingan ko siya.

"Kanina ka pa pala hinahanap sa loob. Parang kailangan na ata nila 'yan." Nginuso ko ang hawak niyang marker.

Alam kong hindi pa din sila tapos sa kanilang group project at pinabili lang siya ng marker. Ayaw kong makaabala kaya tinanggihan ko. Naiintindihan din naman niya kaya tumango siya at nagmadali pabalik sa room.

Lumiko naman ako sa kaliwa at bumungad sa akin ang hilera ng locker. Ang color ng locker naming mga babae rito ay pink samantalang sky blue naman ang sa mga boys. Napapagitnaan ng pader ang dalawang locker room.

Hinanap ko yung akin at inilagay ang aking mga libro.

I look at my phone, hindi na ako makakapunta sa library dahil malapit ng magsara ito. Well, mukhang sa bahay na naman ako magrereview kasama si Marfori.

Lumabas na ako sa locker room at naglakad na pabalik. Ini-open ko ulit yung phone ko para tingnan kung anong oras na. Baka nandiyan na yung sundo ko.

Nakarinig ako ng parang may nagsisigawan sa malayo. Kaya napaangat ang aking tingin mula sa pagkakatutok sa cellphone ko.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang humahangos na si Nikolas. Tumatakbo ito papunta sa kinaroroonan ko. Tumatagaktak ang pawis niya at tila may pinagtataguan dahil nililingon nito ang pinanggalingan.

Nang papalapit na siya sa akin ay tatabi na sana ako para makadaan siya. Ngunit nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at hinila. Napatakbo ako ng wala sa oras dahil sa ginawa niya.

Ayaw ko namang makaladkad kaya binilisan ko din ang takbo. Parang naging sunud-sunuran ako sa kaniya. Napatingin ako sa kamay namin na magkadugtong. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko na para bang ayaw niyang makawala ako.

Nakalabas na kami sa hallway at nasa likod na kami ng building ng Grade 9. May mga tanim doon at swing. May maliit na pond din sa hindi kalayuan.

Halos wala nang estudyante doon kasi nagsiuwian na.

TGG Series #01: Brought By The WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon