Wave 29

1 1 0
                                    

Present

Halos ilang araw din akong hindi nakatulog dahil sa dami ng iniisip ko. I almost spent my whole week with my cousins. Nagpaiwan kasi ang ibang anak ni Tito Eduardo dito. Dinala nila ako sa mga sikat na pasyalan sa kanila.

I tried my best to enjoy it but I can't. Kapag wala sila ay matamlay ako na parang lantang bulaklak. Pabalik-balik din kami ng ospital para sa check-up ni Daddy.

Pagkatapos nang nakakabagot na summer ay pasukan na ulit

I diverted my whole attention to studying. Nag-alala si Mommy ng mapansin na halos bahay at school na lang ang naging buhay ko. I made some friends in my new school. Pero hindi ko sila naging kasing-close katulad ng mga kaibigan ko sa Pilipinas.

It just doesn't feel the same. Something doesn't feel right.

I graduated in Senior High with the highest honor. I attended summer class and other extra-curricular activities. I also joined summer camps to give my parents a reason why I can't be with them kapag magbabakasyon sila sa Pinas. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para hindi ako magkaroon ng oras para mag-isip ng kung ano-ano.

I exhaust my body so that I can sleep peacefully at night.

My father's surgery went well. Halos isang buwan din siyang na-confine sa ospital. Pero ang mahalaga ay maayos na ang lagay niya. Nakakapagtrabaho na din siya sa aming kompanya via video calls. Minsan naman ay dumadayo sa amin si Kuya Thunder para sa mga pipirmahan ni Daddy. Tito Eduardo took over as CEO in the meantime but there is still some paperwork that my father needs to sign. Si Mommy naman ay inabala ang sarili sa pag-aalaga kay Daddy.

Sandamakmak na kurot at batok ang naabot ko kay Marfori ng sinadya niya akong bisitahin sa amin. Nagulat nga ako ng pagkagaling ko nang school ay nakapameywang na nakaabang siya sa may pintuan ng bahay.

We both cried and she scolded me the entire night.

Si Cloud naman ay biglang nagseryoso sa pag-aaral kaya minsan ko na lang siya nakakausap. Nagkikita lang kami tuwing holidays at tuwing bumibisita sila ng kaniyang pamilya sa amin.

Dahil na din siguro sa pagiging liberated ng mga kaklase ko ay nahawa na din ako. I also had my fair share of wilderness. Doon ko na natutunang magpaganda ng todo. I also learned how to drive my own car. I also memorize the booze's names I drink. I learned how to wear sexy outfits.

Marami akong natutunan sa mga kaklase at naging kaibigan ko.

Hinayaan lang ako nila Mommy at Daddy na mag-explore but there are still rules. Nagkaroon pa talaga ako ng weekly session kay Mommy about sa kung paano i-practice ang safe s*x. Nagumpisa lamang iyon ng madatnan niya kaming naghahalikan ng current boyfriend ko sa parking namin. Hindi naman yung malaswa na klase nang halikan.

My mother was so fuming mad and she grounded me. Nag-usap sila ng maigi ni Daddy bago na-lift ang parusa ko. Mula nun ay mas naging tutok si Mommy sa akin. Para bang kapag hindi ako nakauwi ay magpapatawag siya ng search and rescue.

Pero kahit na ganun ay naging mas seryoso ako sa pag-aaral. After how many years of struggle ay nakangiting tinanggap ko ang aking diploma. I could see my parents, teary-eyed and clapping with the crowd. Nakangiting itinaas ko ang aking kamay at kumaway sa kanila.

Maraming lumapit sa akin at bumati. Nakakalungkot lang na hindi nakapunta si Marfori, but she promised to see me after a week. Busy lang daw kasi ang schedule niya. Unlike me, she is already working for their company.

Naalala ko pa noong lumipad talaga siya galing Pilipinas papunta sa amin para lang isampal sa mukha ko ang isang feature ng isang sikat na magazine sa Pilipinas.

TGG Series #01: Brought By The WavesWhere stories live. Discover now