Wave 28

1 1 0
                                    

Leave

Napapatulala ako sa mga punong nadadaanan namin. Hindi ko na makapa ang excitement na nararamdaman ko dati tuwing nakikita ko ang mga pamilyar na hanay ng mga puno. Even the familiar streetlight post doesn't stir any emotions anymore.

Hindi rin nagtagal ay tumigil na ang kotse.

"Nandito na po tayo, Senyorita." Kung dati ay ngingitian ko si Manong kapag sinasabi niya ang mga katagang iyon pero ngayon ay hindi ko magawang suklian ang pagngiti niya.

"Salamat Manong, paki hintay lang po ako dito. Hindi po ako magtatagal." Lumabas na ako.

Sinalubong kaagad ako ng maalat na simoy ng hangin. Kung hindi lang naka-tirintas ang buhok ko ay kanina pa ito nagulo. Ang bangs ko naman ay malayang sumasayaw sa ihip ng hangin. I closed my eyes and inhale deeply.

Naalala ko bigla ang mga eksena at mga kulitang ginawa namin dito. The way he would hold my hand when we're strolling in the sand during low tide.

Iminulat ko ang mga mata at iginala ko ang tingin sa may paligid. I saw a familiar car nearby. Ang sasakyang madalas niyang ginagamit kapag pumapasok siya sa school.

I saw him sitting on the hood of his car. Nakahalukipkip at nakatanaw din sa dagat pero ng marinig niyang bumukas-sara ang pintuan ng sasakyan ay lumingon siya. His eyes is now fixed on me. Nakikita ko sa mga iyon ang pangungulila. Muling kinuwestiyon ng kabilang utak ko ang aking gagawin. Kaya ko ba ito?

I walked towards him.

Nang makita niyang naglalakad ako papalapit sa kaniya ay nagkumahog siyang lumapit sa akin. I saw him smiled at me but when he saw my grim expression ay nawala din iyon.

"Hi," he awkwardly stated. Para bang pinipilit niyang basahin ang nasa isip ko sa mga oras na iyon. He's wearing his usual t-shirt and pants. Ngayon ko lang napatunayan na miss na miss ko siya ng inatake ng kaniyang pamilyar na pabango ang sistema ko.

Gusto ko siyang hilahin at yakapin ng mahigpit kagaya ng ginagawa ko dati kapag sinasalubong ko siya.

I diverted my attention to the surrounding. Ayaw kong lalong mahirapan. Nakakapagtakang kakaunti lang ang nakadaong na yate ngayon sa kanilang port.

Hindi ko namalayang mahabang katahimikan na pala ang mamagitan sa amin. I cleared my throat.

Nag-umpisa akong maglakad papalayo sa mga sasakyan namin. Ayaw kong masaksihan ni Manong George ang gagawin ko. Baka ay magsumbong pa siya kay Mommy.

Nang mapansin ni Nikolas na lumalayo ako ay sumunod din siya.

"So, how's Greece?" Pag-uumpisa ko.

"Fine, nothing change. Ikaw, kamusta kana? Hindi ka masyadong sumasagot sa mga text at tawag ko ng mga nakaraang araw." Mukhang naghihinay-hinay siya sa mga sinasabi. I feel like he wanted to burst at me but he's just stopping himself.

I wanted to laugh at him, sarcastically.

"I'm doing fine. Sa tingin ko ganun lang din naman ang gagawin ng isang babaeng pinagtataksilan. Magpapakalayo-layo para mag-isip." Nginitian ko siya ng napaka-peke.

Kumunot ang kaniyang mga noo sa sinabi ko.

"What are you talking about?"

Doon na ako natawa ng tuluyan. Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

"Don't act so innocent Nikolas. Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin. You two-faced cheating playboy."

"Sandali nga lang." Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. "Cheating? I didn't cheat." I saw confusion in his eyes. Huh! Napakagaling talagang umarte ng isang ito.

TGG Series #01: Brought By The WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon