Wave 01

45 6 0
                                    

Game

"Bilisan mo Seleste!" sigaw ni Marfori sa akin. Nandoon siya sa dulo ng pathway, kinakawayan ako. Para itong kiti-kiting hindi mapakali. "Sandali lang kasi Mar, andami kong dala oh." sabay turo sa mga librong tangan ko.

"Bakit hindi mo na lang iwan iyan sa locker?" nayayamot niyang turan. I rolled my eyes on her. Minsan hindi ko din maintindihan ang logic ng babaeng ito.

"I would have done that kung hindi mo ako hinila na lang basta-basta."

Nag-peace sign lang siya sakin at kinuha ang ibang libro kong dala.

Nang makuha na niya ang ibang libro ko, hinila na ako ni Marfori papasok sa Multi-purpose Gym ng school. Tinulak niya ako papunta sa mga bleachers at pinaupo.

"Can you remind me again kung bakit nandito tayo?" pinagtaasan ko siya ng kilay sabay lapag ng mga libro ko sa katabing upuan. Unti-unti nang napupuno ng estudyante ang gym.

"May laro kasi ngayon sila Cloud. Friendly match lang naman daw against sa Grade 11." Sagot niya sa akin pero ang mga mata ay hindi mapirmi kakasilip kung nandoon na ba ang paborito nitong varsity player. Napairap ako ng marinig ang pangalan ni Cloud Cuevas. He's Marfori's boyfriend.

Inayos ko muna ang aking bangs. It's blocking my eyesight. Hindi na ako pinansin ng babaita'ng dahil pumasok na sa court ang kaniyang jowa.

Tumayo na siya at nagsisigaw. "Go Cloud! I love you baby! Kaya mo yan! Wooohh!" Nakita kong napabaling ang atensyon ni Cloud sa amin. Nagflying kiss pa ang kupal sa amin at sumigaw pabalik ng 'I love you too'. Kaya kilig na kilig yung katabi ko.

Pinagtitinginan kami ng ilang freshmen dahil doon. Ang iba ngang Grade 9 ay nakita kong umirap. Mga ingitira.

"Wala ka na talagang pag-asa, Mar. You're really head over heels with my cousin."

"I can't help it bessy. Your cousin is my life now." She looks so dreamy while talking.

Napatigil kaming dalawa ng magtilian ang mga tao sa loob ng gym. Lalong-lalo na ang mga babae. Napabaling ang aking paningin sa lalaking papasok ng court.

He's wearing a jersey like Cloud at nakatatak sa likod ang pangalang Poseidon. The Greek God of the Sea?

Tumakbo ito papalapit sa side nila Cloud at nakipag-fist bump sa mga players doon. Nakipagtawanan pa ito sa kanila.

"Who's that guy bessy? Bagong member ng team nina Cloud?"

Tumayo na rin ako katulad niya.

"OMG! Don't tell me na di' mo kilala si Nikolas?"

"Itatanong ko ba sayo kung kilala ko?" She pinches the side of my belly making me jump a little. I glare at her dahil doon.

"Well kaka-transfer lang naman niya this school year kaya siguro hindi mo siya kilala." Tatango-tango pa ito

"Sa susunod kasi 'wag ka puro library. Tambay ka din minsan sa lugar na hindi puro libro ang kaharap mo."

Hinayaan ko lag siya sa lintaya niya. Mapapagod din ito.

"Hayaan mo mamaya ipapakilala kita." Nagkibit balikat na lamang ako at muling sinulyapan ang likod ng lalaking nagngangalang Nikolas.

Humarap ito sa gawi namin ni Marfori at nagtama ang aming paningin. Napasinghap ako sa hindi malamang dahilan. I slowly drunk his appearance.

Ang bughaw niyang mga mata at mapulang labi ang una kong napuna. May lahi ata ang lalaking ito. Unconsciously, I bit my inner lip.

I saw the side of his lips move up. Is he smirking at me?

TGG Series #01: Brought By The WavesOnde as histórias ganham vida. Descobre agora