Synopsis

52 7 0
                                    

Malakas ang ihip ng hangin. Ang mga sanga ng puno ay marahas na gumagalaw. Maingay ang bawat patak ng ulan sa bubong na pumupuno sa katahimikan ng paligid.

Maririnig din ang malalakas na hampas ng alon sa dalampasigan. Napayakap si Seleste sa kaniyang katawan bago isinara ang glass door ng balkonahe. Hinigpitan niya ang buhol ng kaniyang suot na balabal.

Lumapit sa kaniya ang isang katiwala.

"Senyorita, naipasok na po sa kuwadra ang lahat ng mga natitirang kabayo." Nginitian niya ito. "Maraming salamat Mang Fidel."

Tumungo lamang ang katiwala. "Sige po aalis na ako." Napabuntung-hininga si Seleste. Mukhang tatagal ang sama ng panahon. Binalita sa radyo kanina ang pagpasok ng bagyong Osang sa PAR kaya't minadali niyang asikasuhin ang kanilang mga alaga sa isla. Dinampot niya ang nangingig niyang telepono at sinagot ito.

"Kamusta kana dyan anak? Ayos lang ba kayo diyan?" Bungad ng kaniyang ina sa kabilang linya. "Ok lang my'. Medyo malakas ang buhos ng ulan pero nakapaghanda naman kami." Narinig niyang napasinghot ang ina.

Hay eto na naman.

"Bumalik kana kasi dito anak. Hayaan mo na lang diyan ang isla may mga tauhan naman ang Daddy mo diyan. Miss na miss na kita, iha." Napatawa siya sa inasta ng ina. Parati itong nagkakaganyan kapag nalayo siya sa tabi nito.

"Ma, hindi na po ako baby. Dalaga na po ang anak niyo. At isa pa mabo-bored lang ako kapag mananatili ako diyan sa bahay. Puro na lang ako bahay-ospital. Gusto ko ng bagong atmosphere my'. And this place is perfect for it."

"Ewan ko ba kung dapat akong maging proud dahil ganiyan ka katapang o malulungkot ako kasi di' na baby ang unica hija ko." Suminghot-singhot pa ito. Napailing si Seleste. Napaka-emotional talaga ng ina niya.

Siguro dahil nag-iisa lang siyang anak nito ay hindi ito sanay na nawawalay siya sa tabi nito. Her mother doesn't even want her to have her own condo. Nagtalo pa sila bago ito pumayag. Pero gabi-gabi ay tinatawagan siya at kinukumusta.

Napa-irap na lamang si Seleste.

"Mommy naman, paano ako makakapag-asawa niyan kung ayaw mo akong umalis sa tabi mo?" Biro niya rito. Napasinghap ang ina niya sa kabilang linya. "Kaya ka ba pumunta diyan sa isla para maghanap ng mapapangasawa?"

Napahalakhak si Seleste sa tinuran ng ina. My god! Her mother is really something.

"My'! Come to think of it. Nasa isla po ako at ang mga kasama ko lang rito ay ang mga katiwala natin. And all of them are already on their forties at may mga pamilya na!"

"I'm just saying based on what you've told me a while ago" Humigop muna siya sa maiinit na gatas na dinala ng katiwala bago sinagot ang ina. "That would be possible if a merman showed here."

"That's impossible dear!"

"Exactly mother," napailing-iling siya.

Nagtagal pa ng ilang minuto ang pag-uusap nilang mag-ina bago ito magpasyang magpahinga na. Napangiti na lamang si Seleste sa screen ng kaniyang cellphone. Her mother never failed to make her feel so loved. Naalala niya pa noon kung gaano ito ka-overprotective sa kaniya. 'Di naman siya nasasakal cause her mom knows her limitation.

Napasulyap siya sa bintana ng silid. Malakas pa rin ang bugso ng hangin sa labas. Suddenly, lightning strikes making her jump a little.

Nagtalukbong na lamang siya ng kumot at unti-unti nang hinila ng antok ang kaniyang kamalayan.

"Good morning po, Senyorita" bati sa kaniya ni Manang Deding. Ang kusinera dito sa mansiyon. Kakababa ko lamang galing sa silid upang mag-almusal. Mukhang maganda na ang panahon ngayon dahil sumisilay na sa silangan ang sinag ng araw. Mukhang mali siya ng akala na tatagal ang sama ng panahon. Nginitian niya ito. "Handa na po ba yung almusal, Manang?"

TGG Series #01: Brought By The WavesWhere stories live. Discover now