Wave 08

3 1 0
                                    


Meeting

"Celestine!" Napabaling ang tingin ko sa pintuan dahil sa may tumawag sa pangalan ko. Kasalukuyang nagkukwentuhan ang mga kaklase ko at nakikinig ako at minsan ay nakikitawa na rin. Pero hindi ako sumasali sa pinag-uusapan nila. Sometimes, I just don't feel to belong in their groups. May pagka-loner talaga ako minsan.

Vacant kasi namin ngayon kaya malayang nakikipag-kulitan at kwentuhan ang mga kaklase ko. Kami ni Marfori ay nakaupo lang doon nanonood sa mga ginagawa nila.

Nakita kong nakatayo sa pintuan ng classroom namin si Josh. Kapwa ko writer sa school paper namin. Nang nakita niyang nakatingin ako sa kaniya ay nagsalita siya.

"Tawag ka ni Ms. Marie sa School Pub. Office. May meeting daw ngayon ang Editorial Staff ng Cresset." Tinutukoy nito ang pangalan ng kanilang school paper.

"Ngayon talaga? May susunod na klase pa ako." Iginala ko ang tingin sa mga nagkakagulong mga kaklase ko.

"Mag-excuse ka na lang muna. May letter na idinistribute sina Karl kanina sa mga teachers natin. Baka alam na ng susunod na subject teacher nyo na excuse ka."

Tumango ako. "Sandali lang, ha."

Pero para na rin makasigurado ay ibinilin ko kay Marfori. Minsan na kasing nangyari na may meeting kami 'tas hindi na-inform yung teacher ko. She marked me absent. Pero kinausap ko naman pagkatapos para magpaliwanag kung ba't ako wala sa klase niya.

"Mar, paki excuse nga ako mamaya sa fourth subject natin, ha." Baling ko kay Marfori na nagsusulat ng assignment namin sa Math. Kino-copy niya yung sagot ko sa kaniyang notebook. Hindi daw siya nakasagot dahil mahirap yung mga question. Hindi na ako makatanggi kanina dahil hinablot niya na lang bigla ang notebook ko.

Nag-thumbs up lang siya sa akin. Pero ang mga mata ay nakatutok sa notes ko. Ang tamad niya talagang gumawa ng assignment. Inayos ko na lang mga gamit ko. Nagkalat kasi sa armchair ko ang iilan kong notes na binabasa. Sinukbit ko na ang aking bag pagkatapos.

Ang gugulo ng mga kaklase ko. Muntikan na nga akong mabangga ng lalaki kong kaklase dahil sa hinahabol niya ang kaniyang kaibigan. Mabuti na lang ay nakatabi kaagad ako.

"Saan punta mo Celestine? Nagmamadali ka yata?" Humarang sa dadaanan ko si Kim. Mukhang nakita niyang nagliligpit ako. Gusto ko sana siyang paalisin kaso ayaw ko namang maging bastos.

"May meeting kasi kami ngayon, paki-excuse na lang ako kay Prof ha." Bumaling siya sa pintuan. Bumaba naman ang tingin ko sa dala niya.

"Uy, ano yan?" tanong ko sa hawak niyang parang letter. Kulay pink iyon at may puting ribbon at lace. Mukhang love letter. Mabilis niyang itinago iyon sa likuran niya at tumabi na siya sa dadaanan ko.

"W-wala, sige alis kana. Baka ma-late ka pa sa meeting niyo." Tumango ako at naglakad na. Iwan ko siya doon.

Nilapitan ko si Josh na nasa pintuan ng classroom. Hindi na siya umimik ng lumapit ako.

Nauna na siyang naglakad kaya sumunod na lang ako. Lumabas kami ng Building ng Grade 10. Naglakad kami ng konte sa pathway para makapunta sa Building 6. Binati kami ng guard at hinanapan ng ID. Pagkatapos, sumakay kami ng lift para makaabot sa third floor. Nandoon kasi ang Pub Office.

I blankly stared at the moving arrows. Walang imik si Josh sa tabi ko kaya namayani ang katahimikan sa buong elevator. Lumilipad ang isip ko.

Mabilis na lumipas ang mga araw, Don and I keep on texting.

Unti-unti na din akong nasasanay sa mga messages niya sa akin. Minsan ay nag-jo-joke siya, minsan ay corny at minsan naman ay benta sa akin. Hindi siya nakakalimot na mag good night at good morning sa akin. I find him interesting dahil may pa mysterious effect pa kasi siyang nalalaman.

TGG Series #01: Brought By The WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon