CHAPTER XXV: Danger is Coming

31 7 41
                                    

Someone's POINT OF VIEW

"I'm really tired" rinig kong reklamo ni Xandrie habang nakasandal sa hood ng sasakyan ni Edwin.

Natawa naman sina Irene sa reaksyon ng kaharap nila. "Nakakapagod naman talagang rumampa. Pero mas nakakapagod ang sumagot ng sumagot sa paulit ulit na tanong, tama?"

Xandrie lazily nodded. "Yeah. They asking me like, 'Kayo na ba?', 'How long you've been together?'. Nakakapagod sumagot."

"Bakit ba kasi hindi niyo ibigay ang gusto nilang marinig?" Earn suggested.

Edwin frowned. "What do you mean?"

"Totohanin na ang mga iyan para isang sagot na lang ibibigay niyo sa mga taong nag aabang ng story niyo." Nakakaloko ang paraan ng pagkakangisi ni Irene ng sabihin niya iyon.

Unti-unting nabuhay ang galit sa loob ko. Bakit ba botong boto sila sa relasyon na meron yung dalawa? Hindi para kay Xandrie si Edwin?

Xandrie sighed. "My father is still setting me up on arrange marriage. And I have to deal with it."

Edwin's face turned expressionless when he heard it. And in instant, Xandrie looked up on him.

"What's wrong with you?" Confuse na ani Xandrie habang nakakunot noong nakatingin kay Edwin.

Edwin tsked. "You really know how to spoil the moment." He sarcastically commented.

"What did I do wrong this time?" Naguguluhang tanong ni Xandrie habang nakaturo pa sa sarili niya.

"Of course you are clueless. Noong nasa Japan tayo hindi din mawala sa isip mo iyang si Caleus. You even texted him while we are having dinner with your brother. Kanina bago magsimula ang fashion show, tinawagan mo siya ulit. At ngayon? Talagang inisingit mo pa talaga siya sa usapan natin. Just great." Litanya ni Edwin habang magkasalubong ang kilay.

"Eh bakit ka ba nagagalit?" Inis na tanong ni Xandrie.

"Dahil hindi siya mawala sa isip mo!" Edwin snapped that made everyone stilled. "Ako nga ang kasama mo iba naman ang laman ng isip mo."

Xandrie rolled her eyes and refrain herself of chuckling. Edwin glared at her. "What's so funny?"

Ang mga kasama nilang naroon din sa parking lot ay hindi na napigilan ang malakas na pagtawa na sinabayan ni Xandrie. Parang noon lang din narealized ni Edwin na may iba silang kasama kaya mabilis na namula ang mukha niya dahil sa kahihiyan.

"Boy!" Irene teasingly called Edwin. "Hindi ko alam na ganiyan ka pala magselos."

"Hindi ako nagseselos! Shut it Irene." Depensa nito sa sarili niya.

"The cold and expressionless face of my brother was already gone. Thanks to you, Xandrie." Panunudyo pa ni Edward at nilapitan si Xandrie para mag high five ang dalawa.

Lalo ng hindi maipinta ang mukha ni Edwin dahil sa walang magawa sa mga pang aasar ng kasama sa parking lot.

"Don't worry, Classy. Chill ka lang." Pang dadaot pa ni Xandrie na binuntutan ng nakakaasar na tawa.

Dahil sa sinabing iyon ni Xandrie ay unti-unting napangiti si Edwin. Nakaramdam ako ng inggit. Hindi kailanman ko napangiti si Edwin ng ganon kabilis. Hindi ko siya kailanman naasar o napatawa ng ganon.

Unti-unting pumatak ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan nang makita ko na sumandal sa balikat ni Edwin si Xandrie. At bago ako tuluyang tumalikod sa gawi nila ay nakita ko kung paanong komportableng umakbay dito si Edwin.

Dear Crush [Dear Series Book 01]Where stories live. Discover now