CHAPTER XIX: Christmas Eve

31 7 39
                                    

XAE's POINT OF VIEW

"Pwede ba Tamtam! I am busy wrapping gifts mamaya ka na lang tumawag." Inis na saad ko habang naka speaker phone yung tawag mula sa kaniya.

Kanina pa niya ako tinawagan na lang ng tinawagan dahil namimiss daw niya ako. It is December 24 and everyone in the house is busy as hell. They are preparing for the Noche Buena that we supposed to share. May mga maids at drivers namin na umuwi sa mga pamilya nila. Marami pa din naman ang naiwan dito sa amin. At sila ang punong abala para sa handa mamaya.

I am wrapping now my gifts for them and for my babies for tomorrow. Focus ako kanina hanggang sa tumawag na lang ng tumawag si Caleus. Noong una ay paulit ulit kong dine-decline pero nong naasar na ako ay sinagot ko na lang dahil sobrang kulit. Hindi ko alam kung saan siya pinaglihi o ilang beses ba siyang ipinanganak.

[Don't you miss me, babe?] Makulit na aniya. And if I can only see him now, I can tell he is pouting. Such a baby! [Noong practice mo pa tayo huling nagkita.]

I nearly roll my eyes. "At hanggang madaling araw naman tayo magkasama non."

Yeah, we're together until dawn. After his incident with Edwin, dumiretso lang kami sa hospital para icheck yung pasa niya. Seems like, malakas talagang sumuntok yung isa. At sa hindi ko malaman na dahilan ay bakit hindi umilag o sinalag nitong si Caleus ang suntok nong isa. Tss. Parehas silang abnormal. After that, sinamahan niya akong mamili ng mga pwedeng iregalo sa mga kasama ko sa bahay.

[It's still not enough! Uuwi na lang ako diyan.] Excited na sabi nito.

My eyes widened. "Ano ba, Tamtam! Tumigil ka nga, papunta din ako ng Austrailia. Nag usap na tayo diba?"

[Oo nga! But I misses you.] Giit nito sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako. Nasa Australia siya kasama ang family nila. Kahapon siya umalis para doon mag celebrate ng pasko at bagong taon. Ilang beses niya pa akong kinulit para samahan siya pero hindi ako pwedeng umalis, may mga nakaschedule akong events at hindi ako pwedeng mawala doon. Babalik lang siya sa mismong araw ng fashion show at aalis din oras na matapos ang event.

Kailangan niyang bumalik ng Australia dahil sa family business nila doon. Yung mommy na niya ang kumausap saken na kailangan bumalik din agad ni Caleus kaya wala ng nagawa si Caleus kundi ang pumayag at sumunod.

"Pero magkikita naman tayo diyan."

[Pero matagal pa iyon.] Stubborn na saad nito.

"Tigilan mo ako. Sasapakin na kita." Banta ko sa kaniya.

[That hurts. What about kiss me babe?] He playfully said.

"Manahimik ka na nga diyan. Kung ano ano sinasabi mo."

He chuckles. [If I know, ayaw mo lang pumunta dito kasi gusto mo pa din makita crush mo.]

I snorted because of his statement. "Crush? Buti ikaw alam mong nay crush ako."

[Si Edwin]

"Oh? Anong meron sa bestfriend mo?"

[Bakit ka curious? Kasi siya crush mo?]

"Nagtataka lang ako bakit siya nasama sa usapan natin."

[Kasi siya ang crush mo]

"Eh ano naman kung crush ko siya----" natigilan din agad ako.

[Oh diba? I knew it. You have crush on him.]

Dear Crush [Dear Series Book 01]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon