CHAPTER XLVII: His Time of Death

22 0 0
                                    

Xandrie's Point of View

Katatapos lang ng enrollment at hindi pa din ako makaalis sa campus dahil kailangan i-turn over ang Senior High Paperworks ng school paper. Hinihintay ko pa na matapos ang meeting ng faculty para mapapirmahan lahat ng mga papeles na hawak ko. I took a deep breath when I took a glance at my wrist watch, it was already 4:30.

My phone rings suddenly while I am sitting on one of the benches here in the receiving area sa office ni Dean. I smiled immediately when I saw Edwin's name on my screen.

"Hi" I greeted him.

[Hi Tangi!] malambing na bati nito sa akin kaya hindi ko mapigilang kiligin. I can't help it kinikilig pa din ako kapag naalala ko kung paano siya nag come-up sa tangi.

FLASHBACK

Naglakad ako palayo sa pwesto nina Kuya Edward. Hindi ko na alam kung saan ako dinala ng mga paa ko pero naramdaman ko na lang din ang pagod kaya naupo ako sa buhangin. Hindi ganon kainit dahil kahit tirik ang araw ay malakas din ang hangin. Umupo ako sa buhangin at saglit ipinikit ang aking mga mata. Napaka kalmado pakinggan ng mga alon at ang paghampas nito sa dalampasigan.

Hindi naman ako nag walk-out dahil naiinis kay Edwin. Gusto ko lang siya asarin at awayin ng slight. He's been so considerate to me ever since. Lumipas ang minuto at hinayaan ko lang na maging payapa ang loob ko habang pinagmamasdan ang dagat. From a distance, I heard some footsteps until it stopped when it reached my side. I took a deep breath before looking at him.

"Classy" malambing na saad nito na siyang pumukaw ng atensiyon ko. "Hmm?" I shortly answered. "Are you mad at me?" panunuyo nito sa akin. "Look at me, please?" dagdag pa nito at saka ako tinabihan sa pagkakaupo sa buhangin.

"Gano'n ba kahirap mag isip ng endearment para sa ating dalawa?" kunwari'y nagtatampo kong saad nang hindi pa din siya tinitingnan. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya. "Look, hindi naman sa ayaw ko ng Classy as our endearment but that's really special for me." he started explaining. Pinigilan ko naman ang sarili ko na mapangiti. "But you know what, you're right. We should not settle as being Classy. You will no longer be my rival and my classmate. You are the person I want to spend the rest of my life with. You are the person I want to see every single day. Kung alam mo lang kung gaano kita pinagdasal at hiniling sa kaniya."

He kneel down and cupped my face. I can see the love and sincerity in his eyes. "Xandrie Anyssa Ereni Sevilla, tinatangi kita." My jaw almost dropped when I heard that. I can feel my eyes being watery. Bakit ba ganito ang epekto sa akin ng lalaking ito? He is so gwapo when he is speaking casually and fluently in english. But I don't know how hot he can be when he is speaking deep tagalog. I can not speak a word as a response to what he is saying. Nakita ko na lang ang sarili kong mahigpit na nakayakap sa kaniya at paulit-ulit sinasambit ang 'Tangi'. He hugged me back, "You like that huh, Tangi?" I could feel the shiver going down to my spine when he said that.

END OF FLASHBACK

[Nasa school la pa?] He softly asked. Tumango naman ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita. "Yep. I am still here. May mga kailangan kasi ako papirmahan sa Dean ee."

[I'll pick you up okay? Nandito na ako sa parking.]

"But this might take a while"

[No worries. I'll just wait for you here. May bibilhin din ako sa convenient store.]

"Okay, if you say so. I'll text you later, tangi. Tapos na ata ang meeting nila dito."

[See you, Tangi. Just update me okay? I love you]

"Alright, bye" and with that I ended the call. I forgot to say I love you too. Well, mamaya na lang. 

I gathered my things and was about to walk inside the door when I saw a message which said, 'I love you Xandrie.' but I just ignored it. Noong pinapasok na ako ng secretary ni Dean, binati pa ako noong ibang mga Professors na palabas ng conference room. I just smiled and politely greeted them.

"Good afternoon, Dean. I am sorry po if super late na ako magpapapirma ng accomplishment reports and other papers na kailangan i-turn over sa upcoming officers." I explained which made her laugh. "It's okay and have a seat, Miss Sevilla. So, dito ka pa din ba mag-aaral for college?" she curiously asked while scanning the files that I handed her.

I nod, "Yes po. I will take a business course to help my brother manage our company."

"That's good. How 'bout Edwin?"

"He might take his college abroad just like his brother."

"So long distance? I am sure you two can pull it off."

Natawa naman ako. "Probably po pero once a month naman ay bibisitahin ko siya."

We chatted a little longer before ako lumabas ng office niya. I walked towards the convenience store because Edwin might still be there. I texted him na doon ko na lang siya pupuntahan since may bibilhin pa din naman akong meryenda. Nagugutom na ako ee.

I was about to cross the pedestrian when I saw a very familiar figure on the other side of the road. My heart skipped a beat when he smiled at me. For some reason, I walk towards him subconsciously.

Totoo yung sinasabi nila na titigil ang mundo mo kapag may bigla na lang dumating na balita pero walang nakapagsabi sa akin na mas masakit kapag personal mong nakita kung paano siya kukuhanin ng mundo sayo. Hindi agad ako makahinga ng payapa. Hindi ako nakaimik, walang salita o reaksiyon ang lumabas mula sa aking bibig. Hindi ako nakakibo, para akong natulos sa kinatatayuan ko habang nakikita ko siyang nag aagaw buhay.

Sa isang iglap ay nabitawan ko lahat ng hawak kong papeles. Wala na akong pakialam kung may isa pa ulit na sasakyan ang mabilis na dadaan para ako'y sagsaan. Ang gusto ko lang sa puntong ito ay tawirin ang distansiya sa pagitan namin. Mabilis din ang responde ng medical team ng DISA at naisakay agad siya sa ambulansiya.

Nanginginig ako habang tinatahak namin ang daan papunta sa pinakamalapit na ospital. Hindi ako makaiyak ng malakas. Walang lumabas na salita sa bibig ko at tanging mahigpit na pagkakahawak lang sa kamay ng lalaking pinakamamahal ko ang nagawa ko.

Nang makarating kami ay dinala kami sa ER, sa lahat ng sigaw at pagkataranta na nangyayari ay isang pangungusap lang ang dumurog sa akin.

Doon ko na nabitawan ang kamay niya.

Doon ako napaupo at napahagulhol.

Doon ako nagmakaawa sa kanila na buhayin at iligtas siya.

Doon ako nagsisi na dapat nag 'I love you too' ako sa kaniya. 

Doon ako nagdasal na sana isang bangungot lang ang lahat dahil hindi kayang tanggapin ng sistema ko ang sinabi ng doctor.








"Time of death, 7:45 pm"



To be continued 

Dear Crush [Dear Series Book 01]Where stories live. Discover now