Chapter XLVIII: Unending Chaos of XAE

5 0 0
                                    

Irene's POINT OF VIEW 

Hanggang ngayon ay tulala pa rin si Xandrie. Hindi namin siya makausap siguro ay dahil sa gulat at magkakahalong emosyon. Nakaupo lang sa gilid at nakatingin sa casket na nasa harap namin. Hindi namin makitaan ng kahit anong emosyon ang mga mata niya. We never see her cry or even mourn.

Nilapitan siya ng Mommy ni Edwin para bigyan ng pagkain pero nginitian niya lang ito ng pilit at saka umiling. "Xandrie, anak, hindi ka pa kumakain simula kahapon. Puro kape lang ang iniinom mo at kaunting mga tinapay. Baka mapano ka, ija."

"Tita, hindi pa din po kasi ako nagugutom pero thank you po sa pagtulong sa akin. I really appreciate it po." Xandrie said in a soft voice.

I can feel the sadness and sorrow in her voice but you cannot see any emotions in her eyes. It seems like she turned into ice. I looked around and I saw Kuya Austine and Kuya Edward walking around while holding a tray of coffee and sandwiches. They are offering each guest to eat and I can;t help but to look for the girls who are busy arranging the flowers the guests brought.

"Nakausap mo na ba si Xandrie?" Jaisel asked me. Kakarating lang niya at katulad ng iba ay kay Xandrie sila dumiretso para makiramay. Umiling naman ako, "Kung paano ka niya batiin ay ganoon lang din siya sa lahat."

Jaisel sighed, "I still can't believe it. Seems like one moment ay masayang masaya sila sa Subic tas biglaang may ganitong trahedya na sasalubong sa kaniya pagkauwi."

"And what worst is harap-harapang nakita ni Xandrie ang aksidente." I commented.

Napalingon kami ni Jaisel sa hallway nang makarinig kami ng ingay. And it is not just a simple commotion but the press and media are there. Hinaharangan sila ng guards ng mga Alvarado but that doesn't stop them to make a scene. Wala man lang silang respeto sa mga taong nagluluksa.

Flashes of camera filled the room as they tried to get inside.

"Miss Sevilla, we just need a comment about the incident that happened."

"Miss Sevilla, do you think there is politics involved in the accident?"

"Sa tingin niyo po, ano ang motibo ng aksidente?"

We hurriedly ran towards Xandrie, we tried to push the press na nagpupumilit pumasok. These people! Hindi man lang inirespeto ang lugar at mga nangyayari ngayon. They will do everything para lang may makuha silang mga impormasyon. After few minutes of pushing and telling them to go and not disturb us, the guards informed us na pinaalis na nila lahat ng mga reporters.They also tightened the security para wala ng makapasok basta.

I looked at Xandrie's position but she is no longer there. Naalarma kami kasi baka kung anong mangyari sa kaniya. Nagkaniya-kaniya kami nina Kuya Austine na ikutin ang buong building. For some reason, dala ang kaba ay umakyat ako sa rooftop. May connecting door kasi sa pantry nitong receiving area para sa mga gustong dumalaw na nagdu-dugtong sa elevator na daldalhin ka sa rooftop.

My hands are shaking and while on elevator, I am praying na sana mali ang nasa isip ko. Mabilis ang paglalakad ko pagbukas ng elevator door pero agad ding natigilan nang nadatnan ko ang hitsura niya. Tinakasan ng kulay ang mukha ko noong makita ko siya, she is helplessly crying while hugging the person she needs the most.

"Bakit ganon? Masama ba akong anak dahil hindi ko man lang nasabi sa kaniya na mahal ko din siya?" She said between her sobs. "Edwin, I tried everything para maging enough sa kaniya...para mahalin niya ako tulad ng pagmamahal niya kay Xandrene. Handa na ako ngayon e, handa na akong tanggapin siya para maging parte ng buhay ko. But it's already late... I am too late, tangi." Her voice is full of pain and regrets.

I turned around and let them have their needed privacy. I got back downstairs and informed them that she is in her safeplace.

Edwin's Point of View

Habang nagsisiksikan ang mga press at media na makakuha ng statement galing kay Xandrie, I saw her walking towards the pantry. I silently followed her and let her first get inside the elevator. Kumuha ako ng bottled water sa pantry at jacket bago siya sundan sa rooftop. And there, I saw her heavily crying while firmly holding sa glass wall na nandito. Nanatili ako sa pwesto ko para bigyan siya ng oras para ilabas lahat ng sakit na nararamdaman niya.

"YOU'RE SO UNFAIR DAD?!" sigaw niya habang nakatingin sa madilim na langit. "YOU LOVE XANDRENE THAT MUCH PARA SAMAHAN AGAD SILA NI MOMMY?!"

"YOU MADE ME MISERABLE! I DID EVERYTHING PERO ISANG BESES KO LANG PINILI ANG SARILI KO, INIWAN MO NA DIN AKO?! ANG DAYA DAYA NIYO!" I walked closer to Xandrie. "BAKIT GANON LANG KADALI PARA SA INYO NA IWANAN AKO? NA SAKTAN AKO?"

When she felt my presence, she looked at me with pain in her eyes. Basang basa ang mukha niya dahil sa pag-iyak, this is the first time I saw her crying ever since the accident. I caressed her face to wipe her tears and I pulled her for a tight embrace. She continued sobbing, "I don't know why everything happened, Edwin. Bakit ganon? Masama ba akong anak dahil hindi ko man lang nasabi sa kaniya na mahal ko din siya?"

"Edwin, I tried everything para maging enough sa kaniya...para mahalin niya ako tulad ng pagmamahal niya kay Xandrene. Handa na ako ngayon e, handa na akong tanggapin siya para maging parte ng buhay ko. But it's already late... I am too late, tangi." I remained silent, alam ko ang pinaka kailangan niya ngayon ay ang makikinig sa kaniya. "Hindi ko alam kung bakit nagkaganito. Bakit iniiwan ako ng mga taong mahal ko. Natatakot ako." she looked up on me and met my stares. "Natatakot akong maiwan ng paulit-ulit. Natatakot akong iwanan mo. Pagod na pagod na akong mata...kot."

Her voice fades as her eyes slowly closed, naramdaman ko na lang na nasa akin na ang bigat niya habang yakap ko siya. I carefully placed the jacket on her and carried her bridal style. She did not faint, she just fell asleep maybe because of exhaustion.

Dinala ko siya sa isang private room dito sa building. I placed her on the bed carefully and called Kuya Austine to inform him na nakatulog na si Xandrie. I remained by her side and watched her asleep. Makikita sa mukha niya ang pinaghalong pagod at puyat.

I kissed her forehead and lay beside her. I wrapped my hand around her waist carefully so as not to wake her up. I stared at her face and whispered everything she needed to hear. After a few more minutes, I fell asleep beside her without even noticing.








'You don't have to be afraid, Xandrie. Hinding hindi kita iiwan.'


To be continued...

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Mar 18 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

Dear Crush [Dear Series Book 01]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz