CHAPTER IV: Royalties Runaway

76 12 16
                                    

XAE's POINT OF VIEW

It is almost midnight and we both helplessly lay down on the floor of the studio. Pagod na kami at pawisan na din. Yung suot ko ay kanina ko pang suot pagdating ko dito matapos ko mabasa ang message sakin ni Daddy.

Samantalang si Edwin naman ay nakapagpalit na ng damit kanina nong binubuo namin yung sayaw. Ngayon ko lang din napatunayan how dedicated he is when it comes to dancing. Hindi ko siya narinig na magreklamo unlike me na kanina pang reklamo ng reklamo.

Well, I am doing it for a purpose. Kapag kasi nagrarants ako, nakikipag argue siya sa akin. Ang by that means, nakikita ko yung side niya na hindi parang pipi. Katulad na lang ngayon, nag dedebate na naman kami dahil sa costume.

"Alam mo kasi mas maganda yung theme na royalty. It suits us." Giit ko sa kaniya habang parehas kaming nakaupo na sa sahig ngayon.

He glared at me, "It will be costly."

"And so? We are both rich. Hindi ka man heir pero galing ka sa kilalang pamilya. What's the big deal about the money?"

Binato niya naman ako ng pack ko ng wipes. "Spoiled ka nga"

My eyes widened because of what he just said. "Come again?"

"Spoiled!" At talagang inulit niya. Napakabait at napakamasunurin talaga nito. Nakakabwisit din minsan.

Tumayo ako at sinabunutan siya. "I am not a spoiled brat."

"Aray!" Daing niya habang inaalis ang pagkakahawak ko sa buhok niya pero mas hinigpitan ko lang. "Masakit na Xandrie. Ouch!" Paulit ulit na sabi niya.

Hinila ko pa ng isang beses ang buhok niya pero binitawan ko na din. Masama ang tingin na nilingon niya ako habang inaayos ang buhok niya. Inirapan ko lang naman siya.

"Happy?" Sarcastic na tanong nito.

Sasagot na sana ako ng bumukas ang glass door. Sabay kaming lumingon sa pinto at para akong tinakasan ng hangin ng makilala ko ang taong nandoon.

"Dad" I whispered.

Behind him are lots of men in black. Naglakad sila papalapit sa amin pero agad din kaming tumayo ni Edwin. I looked up on Edwin wtih pleading eyes. I am trying to convey a message that he must help me. 

"Why are you still here Xandrei Anyssa Ereni?" Mas bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa tanong ni Daddy. Mabilis niya din pinasadahan ng tingin si Edwin.

"Katatapos lang namin magrehearse Dad." Sagot ko sa kaniya.

"And staying at this late hour?" He threw a glare to Edwin. Pero parang baliwala lang kay Edwin.

"Let's go" My dad firmly said before he gets my left arm harshly.

Hindi pa ako nakakahakbang ng hawakan ako sa kanang kamay ni Edwin. I looked at him with disbelief.

What are you doing? I mouthed him.

He squinted at my father. "I'm sorry, Sir. I think Xandrie isn't at peace of coming with you."

"And who are you, young man?" My father strictly asked him while glaring at my hand that he is holding.

Edwin bowed without letting go of my hand. Gulat na tinitingnan ko siya.

"Edwin Zander Calix Alvarado, Sir." Pormal at magalang na pakilala niya sa sarili niya.

My Dad let go of me. Napangisi ako ng sarkastiko. Really? My father easily let go of me as if I am just no one to him. And realization sinked in, kaya naman pala ganon lang kadali sa mga taong nakapaligid saken na bitawan ako kasi yung mismong tao na inaasahan kong hindi ako bibitawan at iiwanan ay ang daling bitawan ako na parang walang halaga sa kaniya.

Dear Crush [Dear Series Book 01]Where stories live. Discover now