ChApPy XXIX

6 0 0
                                    

Battle Between the Four Celestians

Pyra's POV

Nandito kami ngayon sa may Training Hall. Dito daw laging gaganapin ang last period...Ang PAWT period

Ang A1S ay parang Grade level kung ikukumpara sa normal na klase at ang A1S Celestia ay katumbas naman ang section 1...halimbawa Grade 9 section A = Sa A1S at B1S Celestia

At ang section B naman ay ang A1S Shielo, Section C ay A1S - BIS Recio, Section D A1S - B1S Luxio at ang pinaka mababa ay ang Section D A1S - B1S Tameno. Lahat ng yan ay binase sa mga kingdom dito sa Celestia world, mula sa pinakamalakas hanggang sa pinakamahinang Kingdom

Ang A1S ay nahahati sa 5 section. Ang A2S - B2S at A3S - B2S naman ay mayroong 7 section. Ang A4S - B4S ay mayroong 9 na sectiom. Ang A5S - B5S ay nahahati sa 6 na section. At ang A6S - B6S ay mayroong 12 section

Tuwing PAWT Period kasabayan namin ang A1S Shielo. Bale nasa 60 din kaming nandirito sa Training Hall, nasa kabilang side ang A1S Shielo at iisa lang din ang Mistress na magtuturo samin

(Mistress na gurong babae..Hindi kabit ha, wag kayong ano dyan...Master kasi ang tawag sa gurong lalaki)

Pumunta sa gitna ang mistress na may hawak pang isang libro. Natahimik naman kaming lahat ng tumikhim ito

"Ako si Mistress Luciana Kermin...Ako ang magiging guro nyo tuwing Power Period" pakilala nito. Ngii, mukhang mataray "At si Master Lyon Kermin naman ang magiging guro nyo tuwing Weapon's Training" sabay turo nya sa lalaking katabi nya, luh mag-asawang strikto pa ata ang napunta saming period

( > ___ < )

( - ___ - )

"Bubunot ako dito ng dalwang pangalan, kung sinong makakasabayan nyong nabunot ko ang syang magiging ka-partner nyo sa Power's Training sa buwang ito" seryosong paliwanag samin ni Master Lyon, may kinuhang transparent bowl si Mistress saka inaro kay Master, nagsimula ng haluin ni Master ang bowl na may lamang mga papel saka nagsimula ng bumunot at tawagin isa-isa ang magpartner

"Tatlong pares na lang ang natitira" nakapoker face na sabi ni Mistress. Sino kayang magiging partner ko? Sa totoo lang hindi pako nabubunot at talagang nasasabik nakong malaman kung sino ang magiging kapartner ko

"Denria Ezcobar ang magiging kapartner mo ngayon ay si...Mirai Nam Sy" nagsimula namang maglakad si Nam sa may gitna. Nanlalaki naman ang mga mata ko ng makita kung sino ang Denria na sinasabi ni Master...Geezzz sya yung Denria na nakilala ko noong nililibot kami ni Hm sa buong Academy, hehehe nakapasok din sya sa A1S ayoowwwsssss

"Woii Pyra, ano na? Pumunta ka na doon sa gitna...Kanina kapa tinatawag ng kapartner mo" napatingin naman ako kay Copper ng bigla ako nitong sikuhin, ha? Natawag naba ako?

"H-Ha? Teka sinong kapartner ko?"

"Ayan lutang lang ang peg? Ayon ang kapartner mo ohhh...Kanina kapa tinatawag" sabay nguso nito sa direksyon ng kapartner ko. Sinundan ko naman ito ng tingin

Napangibit na lang ako ng makita ang mataray na mukha ni Mistress. Dali-dali akong pumunta doon

"Woi, lutang lang?...Tayo ang magkapartner" napatingin naman ako sa gilid ko at doon ko lang napansin na pala sya ang kapares ko

Napangiti naman ako ng malaki. Ayos, buti sya ang nakapartner ko hihihih. Napapakamot batok na lang akong naglakad pabalik sa pwesto ko. Halos magkakasam na ngayon ang magkakapares

"Kyyyaaahhhh Pyra, antagal din mula nung huli tayong magkita" matinis na sigaw sakin ni Denria sabay damba ng yakap. Ginantihan kodin ito ng yakap

celeѕтιa world : thє prσphєcчWhere stories live. Discover now