cHaPpY XVI

9 0 0
                                    

Pyra is Back

Devasio POV


Habang papalapit ako sa babaeng walang malay ay mas lalong lumalakas ang nararamdaman kong pangamba. May kakaibang bumabalot sa kanya. Hindi ito isang simpleng mahika....Isa itong sumpa

Lumapit sakin si Devaldes samantalang ang shadow team at ang healer na si Mirian ay nasa gilid lang habang nagmamasid sa ginagawa ko

"Ano sa tingin mo ang nangyari sa kanya kuya?" Tumingin ako kay Devaldes saka umiling

"Sa totoo lang hindi ko alam kung anong dapat kong gawin sa batang ito. Masama ang nararamdaman ko dito Devaldes"

"A-Anong ibig mong sabihin kuya?"

"Habang papunta kami sa Office mo kanina. Kakaiba na ang pakiramdam ko. Ayaw kong magsabi ng basta basta lalo na at wala naman akong malakas na katibayan pero Devaldes, may kakaiba akong nararamdaman"

"Kakaiba? Anong kakaibang nararamadaman?" Takang tanong nito. Hindi ako maaaring magkamali sa mga naramdaman ko kanina at ang nararamdaman ko ngayon

"Devaldes...Ang kakaibang awrang nararamdaman ko sa paligid ng Academy mo at ang enerhiyang nararamdaman ko sa batang si Pyra ay iisa" mas lalo namang kumunot ang noo nito sa sinabi ko

"Teka Master, anong enerhiyang sinasabi nyo?" Sabat na ni Ash habang seyrosong nakikinig ang iba

"Hindi pangkaraniwang mahika ang bumabalot sa kaibigan nyo...Isa itong sumpa. Sumpa na tanging ang Diablo lamang ang nakagagawa" seryosong sagot ko. Nakita ko naman ang takot at pagkagulat sa mga mukha nila

"Sumpa ng Diablo?" Si Devaldes "Imposible...Paanong sumpa ng Diablo?"

"Hindi ko din maipaliwanag Devaldes pero ang pakiramdam na ito ay naramdaman ko na, labing-tatlong taon na ang nakakalipas---Kung kailan naganap ang huling digmaan sa pagitan ng bawat nilalang" tulalang sambit ko habang isa-isang bumabalik sa alaala ko ang mga pangyayaring naganap sa huling digmaan na kung saan maging ang mga bathala ay nakisali na sa labanan

"Ang huling digmaan. Ibig nyo bang sabihin...Ang pinamalaking digmaang naganap sa kasaysayan ng ating dimensyon?" Tutok na tanong samin ni Ace. Tumango lang ako bilang sagot "Pero anong kinalaman ng naganap noon, sa mga nagaganap ngayon?"

"Hindi ko alam. Pero ang enerhiyang ito ay may kinalaman sa isa sa mga Bathala noon...Ang Bathala ng kaguluhan na si Erebus"

"Ano bang ibig mong ipakahulugan Kuya?" Tanong ni Devaldes

"Maaaring ang may gawa nito sa salamangkerang iyan ay isa sa mga Diablo ng Bathala ng Kaguluhan" diretsong sagot ko habang hindi inaalis ang tingin kay Pyra Ashton
"Dahil ang markang iyan...Ay sumisimbolo sa isa sa mga Diablo ng Bathala"

Saka tinuro ang isang markang unti-unting humuhulma sa noo nya. Nakita ko na ang markang yan sa libro ng propesiya. Napatingin naman ang lahat sa marka na ngayon ay umiilaw na sa may bandang noo ni Pyra kasabay ng pagsigaw at ang muling pagkalat ng itim na sumpa sa parte ng katawan nya

"Isa lang ang paraan para malaman natin kung ano ang totoong nangyayari sa kanya" natahimik naman ang lahat at halatang naghihintay sa sasabihin ko "Kailangan nating makapasok sa loob ng kanyang isip"

"Ano? Pero bakit?" Takang tanong ni Devas, woooyyy gwapo ang pamangkin ko ha, manang mana sakin ssshhh lang kayo

(^_____^)

celeѕтιa world : thє prσphєcчWhere stories live. Discover now